Anyway, si Ms. Vilma Santos ang nanalong best actress para pa rin sa Dekada 70 na napanalunan ding pelikula ni Piolo. Pero kahit si Ate Vi ay medyo nagtaka na kasama na siya sa parade of winners samantalang hindi pa tinatawag ang name niya as best actress winner. Siya na mismo ang nagsabi sa kanyang acceptance speech nang tawagin siyang winner nina Assunta de Rossi and Cherie Gil na nagtaka rin kung bakit pinaakyat na siya sa stage samantalang wala pa siyang dalang trophy. Pero sabi raw ng tumawag sa kanya, nanalo namang best picture ang pelikula niya.
First time namang nanalo ni Jay Manalo bilang best actor para sa pelikulang Prosti. Hindi expected ang pagkapanalo ni Jay although malakas ang ugong bago ginanap ang awards night na siya ang mananalo.
Si Elizabeth Oropesa ang best supporting actress winner para sa pelikulang Laman.
Best Director si Gil Portes para sa Munting Tinig na nanalo ring best picture na naka-tie ng Dekada 70.
Nagsosolong nag-host si Edu Manzano. Sa press release kasama sanang magho-host sina Lorna Tolentino and Paolo Bediones, pero wala sila.
Si Regine Velasquez ang opening number.
Impressive ang presentation ng URIAN dahil hindi nila katulad ang ibang award giving bodies na kinakalakal. Wala silang mga sponsor sa bawat category.
Narito ang iba pang nanalo:
Pinakamahusay na Dulang Pampelikula - Lualhati Bautista (Dekada 70)
Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksyon - Arthur Nicdao (Mga Munting Tinig)
Pinakamahusay na Sinematograpiya - Shayne Clemente (Kailangan Kita-Star Cinema)
Pinakamahusay na Editing - Francis Vinarao (Diskarte - Maverick Films)
Pinakamahusay na Musika - Tony Cortez (Diskarte)
Pinakamahusay na Tunog - Audio Media (Alamat ng Agimat - Imus Productions)
Pinakamahusay na Maikling Pelikula - Binyag by Mariami Tanangco
Natatanging Gawad Urian - Ricky Lee
(Ulat ni SVA)