Kaso ay nandyan sina Yeoj, Winwin at VJ, ang tatlo nilang anak na maliliit pa sa ngayon, kaya hindi pa mauunawaan ng mga ito ang sitwasyong kinapapalooban nila ni Mayor Joey.
Pero kung si Alma lang ang masusunod, ang gusto sana niyang mangyari ay magkanya-kanya na lang sila ni Mayor Joey, wala na silang pakialaman at ang kapakanan na lang ng mga bata ang tanging mag-uugnay sa kanila.
"Ang sa akin lang, kung wala na sana siyang magandang masasabi tungkol sa akin, eh, huwag na lang siyang magsalita," malungkot na pahayag ni Alma.
Nakarating kasi sa kanya ang impormasyon na hindi raw siya susuportahan ni Mayor Joey sa pagtakbo niyang mayor sa Parañaque. Ikinalungkot niya ang pangyayaring iyon, ang ama pa raw ba naman ng kanyang mga anak ang nagpapakain sa kanya ng mga salitang ganun?
"Sana naman, eh, suportahan niya ako, at kung wala naman siyang magandang masasabi about me, huwag na lang sana siyang magsalita pa," sabi ni Ness.
Nasa Dakak ngayon si Alma kasama ang kanilang mga anak ni Mayor Joey, sinasamantala niya ang bakasyon, dahil sa susunod na buwan ay may pasok na naman ang mga bata.
"Pinaghandaan ko talaga ito, gusto ko namang makasama ang mga anak ko kahit sa loob lang ng ilang araw, dahil puro trabaho ang inaasikaso ko ngayon," nanay na nanay pang sabi ni Alma.
Hindi rin alam ni Willie kung saan nagsimula ang balita at kung sino ang nagpasimuno sa pagkakalat ng kwentong aalisin na siya sa show at pagkatapos ay papatayin na rin ang programa.
Nalulungkot lang si Willie kung bakit may mga taong pilit na pinapatay ang isang show na tulad ng Willingly Yours na napakaraming kapuspalad nating kababayan ang nabibiyayaan.
"Kung kasama lang sila sa mga pinupuntahan kong depressed area, eh, baka hindi lang sila basta maawa sa mga kababayan nating kapos na kapos sa buhay, baka sila mismo, eh, dumukot sa sarili nilang bulsa para makatulong," impormasyon sa amin ni Willie.
"Mabuti pa nga ang mga daga at may lungga na masasabi nilang kanila, samantalang ako, para akong bola na pinagpapasa-pasahan ng kung sinu-sino," sabi pa ni Willie.
Nito lang ay may nainterbyu siyang mga batang pipi, naghahanap din ng pagmamahal ng magulang ang mga batang ito, at sa kanyang panayam ay umiyak lang nang umiyak si Willie.
"Ako, ang staff ko, ang mga cameraman ko, lahat kami, nag-iiyakan. Nakakaawa kasi yung mga bata, ang dami-dami nilang gustong sabihin, pero hindi naman sila makapagsalita."
"Puro senyas lang sila, puro emosyon, ang sakit-sakit pala ng ganun! Hindi ko na napigilan ang sarili ko, umiyak na lang ako nang umiyak," kwento pa ni Willie Revillame.