Hindi ba nagseselos si Maricel sa mga maiinit na eksena katambal si Aleck? "Binasa naman niya ang script at malaki naman ang tiwala niya sa akin. Sabi ko na huwag siyang mag-alala dahil alam ko naman ang ginagawa ko," dagdag pa nito.
Dalawa na ang anak na lalaki ni Ace kung saan ang panganay ay apat na taon at siyam na buwan naman ang bunso.
Inamin ni Rommel na inabot ng humigit kumulang sa 30 milyon ang Alab Ng Lahi dahil sa isa itong period movie (1945) kung saan ibat iba ang location, maraming ekstra at costume ang ginamit. Gumamit din sila ng digital stereo sound. Ipinagmamalaki ni Rommel ang pelikula dahil lahat ng artista ay propesyonal. "Maganda ang working relationship namin lalo na sina Robin Padilla at Jacky. Ipinakilala rin dito ang epekto ng giyera sa mga tao," aniya.
Tinanong din namin si Rommel kung ano ang pinagkaabalahan niya the past year. Ayon sa aktor, nagpunta siya ng Malaysia at naging abala sa kanyang mga painting. Nagkaroon din siya roon ng one-man exhibit.
Ano naman ang binigay ninyo ni Robin sa inyong ina noong nakaraang Mothers Day? "Si Robin ay binigyan si Mama ng bulaklak at regalo. Ako naman ay nagbigay ng pera pandagdag sa pambili nito ng traktora," sabi pa ni Rommel.
Pangarap pala ni Rommel na maging direktor o cinematographer someday at sana nga ay mag-e-enroll siya sa MOWELFUND pero kinulang ng oras dahil abala na sila sa post production ng pelikula.
Release sa Pilipinas ng Solar Films, ang Ring 0 ay tinatampukan nina Yukie Nakama, Seiichi Tanabe, Kumiko Aso at Yoshiko Tanaka.
Kaso nagpunta rin pala ang isang mestisang aktres sa lugar na yon at umaawit din sa kalapit na club na kinakantahan ng sexy star. Dahil sa inggit kwento pa ng aking source ay isinumbong ng mestisang actress si sexy star sa US immigration kaya ipina-deport sa bansa. Sey nga ng manager ng seksing aktres ay makakarma rin ang sumbungerang aktres na naiinggit sa kanyang alaga.
Marami na ring naipong pera ang sexy star at tama nang puhunan sa isang negosyo.