Oo nga naman. For his part, maraming balak na gawin si Atty. Gaudioso Manalo para mailabas ang galing ng kanyang artista.
Isa na rito ang patuloy na paggawa ng mga de-kalibreng pelikula. Naka-plano na ang apat na pelikula na isa ay ididirihe ni Jeffrey Jeturian, may isa rin si Francis Jun Posadas, ikatlo ang U Belt na isang sex comedy at panghuli ang dramang Dadalhin Kita Sa Langit.
Kung hindi pa ito sapat, tumaas na rin kahit kaunti ang talent fee ni Aleck.
"Di ko ito hiningi. Siguro, form of appreciation for what Ive accomplished bagaman at tanggap ko na maraming mas magagaling na artista sa akin pero, ang hinihingi ko lang ay suporta ng lahat," sabi ng best actress na ayon sa kanyang direktor na si Romy Suzara ay di nakikita sa rehearsal kung ano ang ilalabas niya sa kanyang mga eksena, kung paanong atake ang gagawin niya sa kanyang role.
"Napakalalim niyang aktres, very unpredictable. Iba ang atake niya sa kanyang mga roles. Nagugulat na lang ang mga co-stars niya," ani Suzara.
Ang kasunduan ay para sa development of competency standards, assessment/guide instruments for written, oral and practical assessment bilang tugon sa pangangailangan para mabigyan ng sertipiko ang mga hairdresser, beautician, barbero at iba pang manggagawa sa ganitong uri ng trabaho.
Naging panauhing pandangal si Senador Ramon Magsaysay, Jr., at ang Director General ng TESDA na si Dr. Alcestis Guiang.
May layunin ang Reyes Haircutters na palawakin ang kanilang serbisyo sa mga komunidad ng Pinoy sa ibang bansa sa pamamagitan ng franchise kaya malaking tulong ang PIHA para ma-professionalize ang ranggo ng skilled workers sa ganitong industriya.
Malapit nang ipalabas ang Anghel sa Lupa, isang pelikula na matagal na niyang natapos sa Regal Films. Tungkol ito sa life after death na ginawa sa konteksto ng familia love, acceptance at understanding.
Tampok si Cogie Domingo, isa sa mga young actors na hinuhulaan niyang magiging isang malaking artista basta patuloy lamang ito na mabigyan ng magagandang proyekto, na namatay sa isang sakuna sa bisikleta. Hindi ito makaalis sa lupa dahil sa kanyang ina (Dina Bonnevie) at isang handicapped brother (Alwyn Uytingco) at ang gf niya (Maxene Magalona).
Nakilala niya ang isa pang kaluluwa (Jiro Manio) na tinulungan siya para matanggap niya ang nangyari sa kanya.
Kasama rin sina Paolo Ballesteros, Ricky Davao, Luciano Chaning Carlos at marami pa.