9 na taong gulang pa lang, malaki na ang boobs

Sayang at di na matutuloy ang launching film ni Myles Hernandez na Kasalo. Sa halip, gagawin nilang apat na Viva Hot Babes – siya, Gwen Garci, Kristine Jaca at Jen Rosendahl– ang pelikulang First Time para sa Viva. Bale apat silang ilo-launch dito.

Hindi naman nagagalit, nalulungkot o nanghihinayang si Myles sa nangyari. Katwiran niya, baka nga di pa siya handa para sa isang solo launch. "Pero, gagalingan ko pa ang pag-arte ko. Pangako ko ito," sabi niya.

Sa musical concert ng Viva Hot Babes In A Dream Concert na magaganap sa Casino Filipino Parañaque sa Mayo 31, ang isa pa niyang talent ang ipamamalas niya. Kakanta siya. Matatandaan na isa sa mga unang exposure niya sa showbiz ay nang sumali siya sa isang singing contest sa Eat Bulaga." Nanalo naman po ako," amin niya.

Hatid ng Marylouise International Productions ang Viva Hot Babes in A Dream Concert na nasa direksyon ni Al Marcelo.

Going back to Myles, 9 years old lang siya ay developed na ang body niya malaki na ang boobs niya. "Tinutukso na po ako nun dahil dito," aniya. Sinabi niya na gusto niyang yumaman. Kaya panay ang pagpapaunlad niya ng kanyang craft. Bukod sa pag-aaral ng acting, abala rin siya sa mga TV guestings at pictorials. Bagaman at maluwag pa ang sked niya dahilan sa magsisimula pa ang movie nila sa June, enjoy siya sa napakarami niyang engagements bilang Hot Babes.

"Kapag mayaman na ako ay babalik ako ng school para tapusin ang aking tourism, course. Yung pangarap kong maging flight attendant ay hindi na siguro matutuloy dahil hindi na kumpleto ang mga ngipin ko na sabi sa akin ay isang mahalagang requirement sa ganitong trabaho," sabi niya.
* * *
Wala namang regrets si Andrea del Rosario sa pagiging isang bold star. "It was a decision that I had to do dahil gusto kong may mangyari sa career ko. At sinuportahan naman ako ng family ko kaya bakit ako magsisisi?

"I thought I was not getting any younger. The time was right and it felt right," sabi ni Andrea na katulad ng mga kasamahan niyang Hot Babes ay enjoy sa marami nilang trabaho as a group. "Baka pag nagsawa na akong maging bold star ay ito ang harapin ko, ang pagsu-show. Tutal, I’ve tried naman a bit of everything. Marunong akong magsayaw, kumanta, at nakapag-model din naman ako nun, in print and on the ramp. Maski nga beauty contest pinasok ko. Di man ako nanalo, okay lang. Nakapagpalawak ito ng aking karanasan," sabi niya.

Inamin ni Andrea na kung may yapak siya na gustong sundan, ito ang tinahak ni Patricia Javier. Kahit hindi siya isang tunay na singer kakanta siya sa Viva Hot Babes in A Dream Concert.

Show comments