Mommy Elvie sa comedy

Ang natatangi at nag-iisang tiyahin ni master prankster Joey de Leon at ina ni ABC 5 Misadventures of Ariel and Maverick star Ariel Villasanta, ang siya namang bida ngayon sa telebisyon bilang pugay sa mga ina ngayong Mother’s Day.

Si Elvira de Leon Villasanta aka Mommy Elvie, ang nag-iisang kapatid na babae ni Mama Emma de Leon, ina ni Joey de Leon. Pero kumpara sa kanyang sister, mas madalas ang TV exposure ng De Leon mommy na ito kahit ‘di pa man Mother’s Day, thanks to Ideal Mind’s reality show Misadventures of Ariel and Maverick aired over ABC 5 Mondays 9:30 pm.

Ang show na nagdo-document for real ng mga attempt nina Ariel Villasanta (Joey de Leon’s one and only cousin) at Maverick Relova para makilala at sumikat ay naging mas interesante nang dumating ang cynical but ironically motivating mom ni Ariel. Si Mommy Elvie ay tumatayo bilang devil’s advocate, hinahamon ang bawat gimik ng anak, pero siya namang nagbibigay buhay, kulay at drama sa nakakatawang real-life comedy show na ito.

Ngayong gabi, bibigyan pugay ng mga bida ang reyna sa kanilang mga puso: ang kanilang mga ina. Habang naghahanda si Mav ng isang party para sa kanyang also skeptic antagonist mom (Mommy Girlie Villasanta, aka the SVP of Banco Filipino), hinahanda rin naman ni Ariel ang kanyang special Mother’s Day treat para kay Mommy Elvie a: isang macho dancer!

Sa kasamaang palad, hindi ata natawa si Mommy Elvie. Dahil sa typical humor ng anak, baka mag-celebrate ang dalawa ng mother’s day ng hindi nag-uusap. Alam naman nating hindi maiiwasan ang mga pagtatampuhan na ito sa anumang relasyon. At ’di tulad sa mga sitcoms, sa totoong buhay ay hindi ito agarang nareresolbahan sa isang episode lang. Pero sigurado namang makakaisip ng paraan itong si Ariel para pangitiin muli si Mommy Elvie.

Show comments