Belinda, may class na bold star
May 12, 2003 | 12:00am
Isa na yata si Belinda Bright sa pinakamasuwerteng bold star sa kasalukuyan. Pagkatapos niyang i-launch sa Ssshh...She Walks By Night, bongga ang follow-up movie niya, Ang Kapitbahay opposite Albert Martinez and Joel Torre under Imus Productions. Alagang-alaga siya ng producer ng movie na si Andrea Bautista kaya lumalabas kahit sexy ang movie, may class ang dating hindi katulad sa ibang bold star na lahat na yata ng kalaswaan ay sasabihin para mapansin sa promo ng pelikula. Pero si Belinda, na-maintain niya ang pagiging kolehiyala sa kanyang ginagawa kahit na nga nag-all the way siya sa Ang Kapitbahay.
Ilang beses siyang nag-frontal dito at ibat ibang position din sa lovescene ang ginawa niya.
Kaya lang dahil sa kanyang decision na mag-bold, wala siyang choice kundi tumigil na sa pag-aaral kung saan irregular third year siya sa St. Benilde.
Ayaw muna ni Belinda na tumanggap ng bagong project para makapag-concentrate sa promo ng latest movie niya.
"Maganda kasi ang project kaya gusto kong marami ang makapanood sayang naman kasi," she said.
Eventually, gusto ni Belinda na makaahon sa pagiging bold star. Gusto niyang maging action star. "Wala pa kasi talagang nasasabing female action star."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended