Kapanabayan niyang kumakanta noon sina Camille Victoria at Carol Santiago Fukuda na kumakanta naman sa Angelus sa may Aliw Baliuag. Animoy nagpapatalbugan ang tatlo kapag kumakanta na sa gabi kahit magkakahiwalay ang kinakantahan nila. Si Camille ay kumakanta sa Shangri-la Hongkong nang huli naming madinig. Si Carol naman ay may-ari ng Kintaro Karaoke Bar Music Lounge sa Baliuag.
Noon, pinangarap ni Carol na anyayahang kumanta si Regine sa kanyang lugar pero, palaging busy si Regine. Ngayon, lalong hindi na ito pwede dahil sa sobrang dami ng commitments nila. Naunahan pa siya ng isang lugar sa Baliuag na sinagot ni Regine. Sayang nga, hindi pa ito napatapat sa fiesta ng Baliuag sa Linggo.
Parehong may asawat anak na sina Camille at Carol. Si Regine na lang ang hindi pa nakakaisip lumagay sa tahimik. Tiyak maninibago siya sa muling pagbabalik.Pawang makabago na ang kasalukuyang tumatabing sa lugar ng dati niyang kinakantahang D Marcus. Bukod tanging ang lumang simbahan na lang ang tanging natitirang nakatayo sa lugar na ito.Sana hiling ng mga tagahanga at kababayan na manatiling nakatuntong sa lupa si Regine gaya nung araw. (Ulat ni Vir Gonzales)