^

PSN Showbiz

Alam kaya ni Regine ang papuntang Baliuag?

-
Ngayong Mayo, magkakaroon ng concert sa sariling bayan sa Baliuag Bulacan ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Magbuhat no’ng sumikat si Regine, ngayon lamang siya muling tatapak sa bayang kinantahan noong gumagawa pa siya ng pangalan. Chona Velasquez pa siya no’n at kumakanta sa D’Marcus Restaurant na sarado na ngayon sa Plaza Naning sa Baliuag.

Kapanabayan niyang kumakanta noon sina Camille Victoria at Carol Santiago Fukuda na kumakanta naman sa Angelus sa may Aliw Baliuag. Animo’y nagpapatalbugan ang tatlo kapag kumakanta na sa gabi kahit magkakahiwalay ang kinakantahan nila. Si Camille ay kumakanta sa Shangri-la Hongkong nang huli naming madinig. Si Carol naman ay may-ari ng Kintaro Karaoke Bar Music Lounge sa Baliuag.

Noon, pinangarap ni Carol na anyayahang kumanta si Regine sa kanyang lugar pero, palaging busy si Regine. Ngayon, lalong hindi na ito pwede dahil sa sobrang dami ng commitments nila. Naunahan pa siya ng isang lugar sa Baliuag na sinagot ni Regine. Sayang nga, hindi pa ito napatapat sa fiesta ng Baliuag sa Linggo.

Parehong may asawa’t anak na sina Camille at Carol. Si Regine na lang ang hindi pa nakakaisip lumagay sa tahimik. Tiyak maninibago siya sa muling pagbabalik.Pawang makabago na ang kasalukuyang tumatabing sa lugar ng dati niyang kinakantahang D Marcus. Bukod tanging ang lumang simbahan na lang ang tanging natitirang nakatayo sa lugar na ito.Sana hiling ng mga tagahanga at kababayan na manatiling nakatuntong sa lupa si Regine gaya nung araw. (Ulat ni Vir Gonzales)

ALIW BALIUAG

BALIUAG

BALIUAG BULACAN

CAMILLE VICTORIA

CAROL SANTIAGO FUKUDA

CHONA VELASQUEZ

D MARCUS

KINTARO KARAOKE BAR MUSIC LOUNGE

MARCUS RESTAURANT

NGAYONG MAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with