^

PSN Showbiz

3 oras non-stop nagsayaw ang aktres sa ibabaw ng mesa!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa apat na araw kong pag-a-unwind sa Boracay ay marami akong natanggap na tsika mula sa ilang kaibigang residente roon. May isang nagkumento tungkol sa isang sexy actress-dancer na matagal ang resistensya sa pagsasayaw. "Biruin mo nakita ko siyang tumuntong sa ibabaw ng mesa sa isang bar at doon nagsayaw nang nagsayaw habang nagkakatuwaan ang mga barkada. Tatlong oras na wala itong tigil sa pag-indak at pagiling-giling," anang taga-Boracay. Hindi lang niya tiyak kung nakainom ito at napagtripang sumayaw kasama ang mga kaibigan.
Maraming Artista Sa Boracay
Hindi ako nagpapa-reserve ng hotel tuwing nagpupunta kami ng Boracay knowing na kilala ko naman ang ilang may-ari roon ng resort, pero punumpuno ng mga guest this time kaya wala kaming matuluyan. Swerte naman dahil naroon sa isa sa aming kaibigan ang marketing manager ng isa sa most luxurious hotel sa Boracay at nagkwentuhan kami. Inanyayahan kaming tumuloy sa Paradise Garden Resort Hotel na pag-aari ng isang Aleman at nang malamang taga-media kami ay binigyan kami ng discount ni Marlou Jaranilla pero mahal pa rin at pumatak na 17,750 per day dahil pang-turista ang aming kwarto. Madalas kasing mag-brown out doon at hindi ako makakatagal na hindi aircon ang kwarto dahil sa hypertension. Pikit-mata ay pumayag na rin kaming mag-asawa sa tatlong araw na panunuluyan doon. Worth it naman dahil para itong isang paraiso dahil bukod sa malawak na garden at swimming pool, jacuzzi at waterfalls ay talagang napakaganda at tahimik ng lugar. Doon din naka-check-in sa VIP green house si Carmi Martin. Hindi kami nagkausap dahil parati akong natutulog dahil talagang bumawi ako sa puyat at dami ng trabaho sa Maynila.

Isa pa, ito ang paraan ng pagba-bonding naming mag-asawa kung saan minsan ay kapos na kami pag nasa Maynila ng oras dahil sa trabaho.

Nakilala rin namin doon ang lifestyle writer ng isang Cebu based newspaper na si Chinggay Utzurrum at naging kaibigan namin.

Sa dalawang araw namin doon ay pinalipat kami sa De Luxe Room na mas malaki at may malaking TV, ref, at sofa, P3,500 ang rent dito per day pero doon pa rin kami sa dating presyo bilang pagbibigay ng may-aring Aleman sa mga media. Sana nga next year ay makabuo ako ng grupo ng mga press people na gustong magpunta ng Boracay.

Namataan din namin doon si Katya Santos, Rita Magdalena at Renato del Prado na dumalo naman sa isang meeting ng Rotary Club. Gusto sana naming manood ng Mossimo Bikini sa Club Panoly pero may kalayuan ito sa aming lugar.
Efren "Bata", Magaling Magpatawa
Sa presscon ng Pakners ay nakausap namin ang direktor na si Tony Reyes. Natutuwa siya dahil lahat ng artistang kasama sa movie ay magagaling umarte at propesyonal pa. "Kahit si Efren "Bata" Reyes ay may timing din sa pagpapatawa at maganda ang tandem nila ni Fernando Poe, Jr. "First time na lumabas ng billiard king sa pelikula at hindi maiaalis na ninerbyos ito kaya para maging komportable siya ay inuna itong kunan.
Paanyaya Ng MMFF 2003 Sa Mga Producers
Naghahanda na ang executive committee para sa darating na Metro Manila Film Festival sa taong ito. Inaanyayahan ang mga prodyuser na lumahok sa pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsusumite ng letter of intent upang maging bahagi ng film festival sa darating na Disyembre.

Ang deadline sa pagsusumite ng letter of intent ay bago sumapit o sa Mayo 31 ganap na 5:00 ng hapon at ipadala sa MMFF Office of Secretariat ng MMDA Bldg., 3rd floor, Orense st., cor. EDSA, Makati City sa telepono bldg. 8820849.

ALEMAN

BATA

BORACAY

CARMI MARTIN

CHINGGAY UTZURRUM

CLUB PANOLY

DAHIL

DOON

KAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with