Walong pelikula na ang nagagawa niya sa ilalim ng mga independent film producer. Pinaka-malaki rito ay ang Doomsdayer ng ABS-CBN kasama si Brigitte Nielsen. Pumunta pa siya ng US para ito i-promote. Isinabay na rin niya ang pag-aaral ng acting sa North Hollywood, LA under Richard Branda kung kaya mga dalawang taon siyang nawala.
Nakapag-aral din siya ng acting sa ABS CBN Talent Center sa ilalim ni Erik Matti at sa Actors Workshop.
Nagbabalik pelikula ngayon si Lumen sa tunay niyang pangalang January Isaac sa pelikulang magtatampok sa kauna-unahang pagkakataon sa dalawang hari, isa sa pelikula at ikalawa sa bilyar, sina Fernando Poe, Jr. at Efren "Bata" Reyes. Ito ang Pakners, anniversary movie ng FPJ Productions na nagtatampok din kina Toni Gonzaga, Oyo Boy Sotto, Candy Pangilinan at marami pa, sa direksyon ni Tony Reyes.
Mag-aaktibong muli sa pelikula si January na 10 taong nag-train sa taekwondo, aikido at kickboxing dahilan lamang sa napaka-mahiyain niya nung bata siya.
"Pero, hindi ako tomboy gaya ng akala ng marami sa mga babaeng tulad ko na lumilinya sa sports o action. Dahil dito naibibigay ko ang hinihingi ng mga direktor ko. Dahil din dito kaya ako nakuha ni FPJ para makasama sa Pakners. Gusto niya ng isang babae na marunong sa martial arts para sa role ng policewoman," sabi niya.
Ang nasabing sports event ay isang proyekto ni Vice Mayor Herbert Bautista na sinuportahan ng lubos ni Mayor Sonny Belmonte kung kaya naging matagumpay ito. Ginawa rin ito para mailayo ang mga kabataan sa mga masasamang bisyo.
Lahat ng mga nanalo ay pagkakalooban ng scholarship at training ng municipal government.
Samantala, Ang Banuyo/ Yakal Neighborhood Association ng Barangay Amihan ay nagdaraos ng isang basketball tournament para sa mga kabataang may edad hanggang 12 taong gulang. Masipag na tagapagtaguyod nito ang mga opisyal ng nasabing asosasyon sa pamumuno ng pangulo nito na si Val Marco at ni Kagawad Bebot Rodriguez at ang masipag ding si Jake Jarencio.