Since nasa tamang edad na si Maricar at kaya na niyang magdesisyon para sa kanyang sarili, ipinaliwanag niya sa kanyang mga magulang na trabaho lamang para sa kanya ang gagawing pagbu-bold at naunawaan naman siya ng mga ito.
Kung tutuusin, hindi salat sa pera ang pamilya ni Maricar. Galing siya sa magandang pamilya at maginhawa ang kanilang pamumuhay pero may ibang ambisyon si Maricar. Ang makilala nang husto sa mundo ng showbiz na kanyang sinimulan kahit nung bata pa siya.
Matapos siyang idirek ng dalawang premyadong director na sina Maryo J. delos Reyes sa Bedtime Stories at Celso Ad. Castillo sa Nympha muling nagbalik si Maricar sa Bayaran na dinirek ni Francis Jun Posadas sa ilalim ng bagong film outfit, ang Wild World Entertainment Co., Inc.
Sa pelikulang Bayaran ay kapareha niya ang dalawa ring premyadong actor na sina Jay Manalo at Carlos Morales.
"Masarap katrabaho sina Jay at Carlos kasi pareho silang mahusay na actor at pareho silang professional sa trabaho," ani Maricar na regular pa ring napapanood sa teleseryeng Sana ay Ikaw Na Nga ng GMA.
Since tiyak na tatagal ng isa o dalawang taon ang nasabing teleserye, tiyak na mabi-build-up nang husto ang team-up nina Marvin at Kaye until such time na puwede na silang pagtambalin sa pelikula.
Ngayong loveless na naman si Troy, hindi kaya balingan nito ang dati niyang girlfriend na si Nikki Valdez na sobra naman ang pagmamahal sa kanya?
It seems na walang suwerte si Troy sa larangan ng pag-ibig. Nawala sa kanya si Charlene Gonzales na asawa na ngayon ni Aga Muhlach. Naghiwalay din sila ni Nikki at ngayon naman ay break na rin sila ni Cher.