Mag-klik kaya ang Kaye/Marvin tandem?
May 10, 2003 | 12:00am
Hindi nagsisisi ang actress na si Maricar de Mesa kung nag-join man siya sa mga artistang nagpapaseksi. After all, ito naman ang direksiyon ng maraming actresses na nagnanais na agad magkapangalan. Kung tutuusin, hindi na baguhan si Maricar. Matagal-tagal na rin siya sa showbiz. Nagsimula siya sa Thats Entertainment. Matagal din siyang naging Go-Bingo Girl ng GMA-7 at nang walang mangyari sa kanyang career ay doon siya nagdesisyon na mag-bold kahit itoy labag sa kagustuhan ng kanyang mga magulang.
Since nasa tamang edad na si Maricar at kaya na niyang magdesisyon para sa kanyang sarili, ipinaliwanag niya sa kanyang mga magulang na trabaho lamang para sa kanya ang gagawing pagbu-bold at naunawaan naman siya ng mga ito.
Kung tutuusin, hindi salat sa pera ang pamilya ni Maricar. Galing siya sa magandang pamilya at maginhawa ang kanilang pamumuhay pero may ibang ambisyon si Maricar. Ang makilala nang husto sa mundo ng showbiz na kanyang sinimulan kahit nung bata pa siya.
Matapos siyang idirek ng dalawang premyadong director na sina Maryo J. delos Reyes sa Bedtime Stories at Celso Ad. Castillo sa Nympha muling nagbalik si Maricar sa Bayaran na dinirek ni Francis Jun Posadas sa ilalim ng bagong film outfit, ang Wild World Entertainment Co., Inc.
Sa pelikulang Bayaran ay kapareha niya ang dalawa ring premyadong actor na sina Jay Manalo at Carlos Morales.
"Masarap katrabaho sina Jay at Carlos kasi pareho silang mahusay na actor at pareho silang professional sa trabaho," ani Maricar na regular pa ring napapanood sa teleseryeng Sana ay Ikaw Na Nga ng GMA.
Sa bagong teleseryeng Sanay Wala Nang Wakas na muling pangungunahan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales, kabituin sina Marvin Agustin at Kaye Abad. It seems na talagang bini-build-up ang loveteam ng dalawa ng Dos dahil iba na ang ka-loveteam ni John Lloyd Cruz at si Marvin naman ay nawalan ng ka-loveteam nang mabuwag ang team-up nila ni Jolina Magdangal.
Since tiyak na tatagal ng isa o dalawang taon ang nasabing teleserye, tiyak na mabi-build-up nang husto ang team-up nina Marvin at Kaye until such time na puwede na silang pagtambalin sa pelikula.
Hiwalay na naman si Troy Montero sa kanyang huling girlfriend na si Cher Calvin, dating hosts ng F ng ABS-CBN na nalipat na bilang news anchor sa Fox International na naka-base sa Las Vegas, Nevada. For a while, marami ang nagsabi na sina Troy at Cher na ang magkakatuluyan dahil pareho silang isinilang at laking Amerika pero tulad ng ibang relasyon, hindi rin ito nag-last. Maybe, its because of the distance. Narito si Troy sa Pilipinas dahil narito ang kanyang trabaho at nasa Amerika naman si Cher.
Ngayong loveless na naman si Troy, hindi kaya balingan nito ang dati niyang girlfriend na si Nikki Valdez na sobra naman ang pagmamahal sa kanya?
It seems na walang suwerte si Troy sa larangan ng pag-ibig. Nawala sa kanya si Charlene Gonzales na asawa na ngayon ni Aga Muhlach. Naghiwalay din sila ni Nikki at ngayon naman ay break na rin sila ni Cher.
Email:<[email protected]>
Since nasa tamang edad na si Maricar at kaya na niyang magdesisyon para sa kanyang sarili, ipinaliwanag niya sa kanyang mga magulang na trabaho lamang para sa kanya ang gagawing pagbu-bold at naunawaan naman siya ng mga ito.
Kung tutuusin, hindi salat sa pera ang pamilya ni Maricar. Galing siya sa magandang pamilya at maginhawa ang kanilang pamumuhay pero may ibang ambisyon si Maricar. Ang makilala nang husto sa mundo ng showbiz na kanyang sinimulan kahit nung bata pa siya.
Matapos siyang idirek ng dalawang premyadong director na sina Maryo J. delos Reyes sa Bedtime Stories at Celso Ad. Castillo sa Nympha muling nagbalik si Maricar sa Bayaran na dinirek ni Francis Jun Posadas sa ilalim ng bagong film outfit, ang Wild World Entertainment Co., Inc.
Sa pelikulang Bayaran ay kapareha niya ang dalawa ring premyadong actor na sina Jay Manalo at Carlos Morales.
"Masarap katrabaho sina Jay at Carlos kasi pareho silang mahusay na actor at pareho silang professional sa trabaho," ani Maricar na regular pa ring napapanood sa teleseryeng Sana ay Ikaw Na Nga ng GMA.
Since tiyak na tatagal ng isa o dalawang taon ang nasabing teleserye, tiyak na mabi-build-up nang husto ang team-up nina Marvin at Kaye until such time na puwede na silang pagtambalin sa pelikula.
Ngayong loveless na naman si Troy, hindi kaya balingan nito ang dati niyang girlfriend na si Nikki Valdez na sobra naman ang pagmamahal sa kanya?
It seems na walang suwerte si Troy sa larangan ng pag-ibig. Nawala sa kanya si Charlene Gonzales na asawa na ngayon ni Aga Muhlach. Naghiwalay din sila ni Nikki at ngayon naman ay break na rin sila ni Cher.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended