Bihirang mag-grant ng interview si Da King maliban na lamang kung may pelikula siyang ipapalabas. Mas gusto rin niya ng casual interview o di kayay kwentuhan lang ang tema ng pakikipag-usap sa kanya. At kapag nakipagkwentuhan sa yo si Da King, ikaw na ang tiyak na susuko.
Nang huling humarap sa entertainment press si Da King, kakaiba ang kanyang look. Nakasuot ito ng Hawaiian polo shirt na never pa naming nakita sa kanya. Marami tuloy ang pumuna nito sa kanya.
"Para maiba naman," natatawa niyang tugon.
Ipinagmalaki pa ni FPJ na ang kanyang misis na si Susan Roces ang bumili ng kanyang Hawaiian shirt sa Marikina.
"Actually, sa pelikula, may eksena na riregaluhan ako ni Bata ng isang Hawaiian polo shirt. Itinuluy-tuloy ko na kasi komportable sa katawan," aniya.
Nakatatak na kasi kay Da King ang rolled-up long-sleeved plain shirt.
As early as last year, gustung-gusto na talaga ni FPJ na kunin ang serbisyo ni Efren Bata Reyes para makasama sa pelikula pero hindi matuluy-tuloy ang project dahil sa schedule nito.
"May October o November playdate na kami ng pelikula, pero hindi tumugma ang schedule ni Bata hanggang sa naurong ang filming ng aming pelikula. Talagang hinintay ko ang availability niya bago namin sinimulan ang pelikula," kwento pa ni FPJ.
Although nakagawa na rin siya noon ng dalawang pelikula kung saan siya naglaro ng billiard, kakaiba umano itong Pakners dahil champion ng billiard ang kanyang co-star at kasama rin sa pelikula ang dalawang top billiard players ng Sweden.
Bukod kina FPJ at Bata, kasama rin sa pelikula sina Jan Lumen Isaac, Candy Pangilinan, Tiya Pusit, Oyo Boy Sotto, Toni Gonzaga, kasama sina Dick Israel, Johnny Delgado, Romy Diaz, Rico J. Puno, Gerald Ejercito at marami pang iba.
Samantala, hindi maiwasang maitanong kay Da King ang pulitika pero evasive siya sa topic at ayaw niyang magkomento hinggil dito.
"Ibang bagay na lamang ang pag-usapan natin," iwas-pakiusap niya.
Since well-loved and respected naman si FPJ ng mga manunulat, hindi na siya inurirat tungkol sa pulitika pero may mangilan-ngilan pa rin ang nagtatanong sa kanya tungkol dito.
Kapag naisipan ni Da King na tumakbo sa darating na halalan, tiyak na suportado siya hindi lamang ng entertainment press kundi maging ng buong industriya ng pelikulang Pilipino.
Sa totoo lang, masarap na kausap si Da King lalo na kung itoy nasa mood. Kami na ang sumuko at pasimple na kaming tumakas ni Ronald C.
Aminado si Connie na milyones ang itinatapon ng kanilang kumpanya sa mga young stars para lamang magsilbing cover ng ibat ibang brand nila ng school notebooks laluna ngayong malapit na ang pasukan. Kasama sa image models ng Advance notebooks sina Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, Heart Evangelista, Angelika de la Cruz, Carlos Agassi, Marvin Agustin, John Lloyd Cruz, Shaina Magdayao, Carlo Aquino, Angelika Panganiban, Dennis Trillo, Kaye Abad at marami pang iba.
Ayon kay Connie, malaking factor umano ang mga teenstars sa cover ng notebook dahil ito umano ang gustung-gustong bilhin ng mga kabataang estudyante mula elementarya hanggang high school lalupat malapit na ang pasukan.