Pero aminado siya na nag-uusap sila ni deposed President Joseph Estrada dahil once a month kung dumalaw siya sa Veterans Memorial Hospital kung saan naka-detain si Erap. Ayaw naman niyang i-reveal ang pinag-uusapan nila ni Erap sa tuwing mag-uusap sila ng matagalan.
Tungkol naman kay Ping Lacson na balitang nakausap niya kamakailan dahil ayon sa balita, kino-convince nga raw siyang mag-vice president since very open na si Sen. Lacson sa kanyang interest na tumakbong presidente sa election. "Lately hindi kami nag-uusap," maiksing sagot ng Da King sa interview para sa latest movie niyang Pakners with Efren "Bata" Reyes under FPJ Productions.
Pero may knowledge siya sa on-going campaign ng isang grupo na naga-gather ng 1 million signature para sa kanyang candidacy. "Kelan ko lang naman nalaman na may grupo palang ganoon. Kasi pamangkin ng kumpare ko ang isa sa mga naga-gather ng signature."
Actually, pag tungkol sa pulitika, hindi puwedeng tanungin si FPJ. Kahit anong pilit. Ang ginagawa niya pag tinatanong siya, tumatayo siya. Kaya nga nang tanungin namin siya - hypothetical question sana - if ever anong major problem ng bansa ang gusto niyang i-solve once na maging presidente siya? Hindi niya sinagot, instead tumayo siya. Bigla tuloy natapos ang interview namin sa kanya.
Pero game siya sa biruan. Like payag si Ms. Ethel Ramos ang maging Press Secretary kung uupo nga siya sa Malacañang. Feel naman ni Isah Red na maging MTRCB Chairman.
Anyway, kung sabagay marami na naman siyang nakuwento bago siya tumayo. Like na-mention niya na magkakaroon siya ng Christmas special with the street kids at lahat ng leading ladies niya sa pelikula, hopefully, ang makasama niya. Pero hindi pa alam kung saang channel - kung sino ang highest bidder, doon daw ipalalabas.
Bagets din ang look ngayon ni FPJ - naka-printed polo siya. Sabi niya, yun kasi ang outfit niya sa Pakners.
After Pakners, si Jolina Magdangal ang makakasama niya sa movie. Depende sa availability ni Jolina.
In any case, showing sa May 28 ang Pakners.
"I must admit na nami-miss ko yung kakulitan at karinyo niya. Mahirap kasi siyang (Echo) kalimutan bilang tao.
"Basta ang natutuhan ko ngayon, hindi dapat all-out ang pagmamahal.
"Kasi masakit pala pag biglang nawala." Kaya nga raw nang malaman niya ang tungkol sa dalawa at sa ibang tao pa, "Lahat ginawa ko. Nagalit, umiyak, natawa, lahat talaga.
Pero nang mag-start silang mag-taping sa Sanay Wala Nang Wakas, as if walang nangyaring break up sa kanila. "Im surprised talaga dahil okey na okey kami. Biglang bumalik yung magic. Hindi ko talaga ini-expect na ang gaan pareho ng feelings namin," sabi niya.
At any rate, hindi pa definite kung matutuloy sa Monday, May 12 ang premiere ng Sanay Wala Nang Wakas over ABS-CBN. Hindi pa kasi alam kung kailan tatapusin ang Bituin ni Ms. Nora Aunor.
At hindi lang sila Kristine at Jericho ang loveteam dito, kasama rin nila rito ang bagong loveteam na sina Marvin Agustin and Kaye Abad.
Iba ang character ni Kristine rito compared sa Pangako Sa Yo na mabait - a young woman who works temporarily as a bus conductor habang naghihintay sa result ng nursing board exam.
Kasama rin sa Sanay Wala Nang Wakas sina Gloria Romero, Cherrie Pie Picache, Joel Torre, Gary Estrada, Serena Dalrymple and Nina Ricci Alagao.
"Gusto ko silang tulungan para hanapin ang venue para sa kanilang talent," sabi ng magaling na komedyante. "There are untapped singers and performers waiting to be discovered. My vision for Jog999 is to become a breeding ground for them, and in our anniversary in August, I want to launch them as recording artists."
Plano niyang mag-produce ng omnibus album which will feature six female singers. "Each of them will be given two songs to interpret. I am commissioning top composers, like Vehnee Saturno, to write songs," dagdag niya.
Ang Jog999 ay matatagpuan sa 1501 Princeton St. cor Shaw Blvd in Mandaluyong.
May album si Jograd under BMG Music Pilipinas na ang carrier single ang "Pag-ibig Koy Metal."
Para sa mga interesado maaaring tumawag sa 7051560 or 0920-6239443 and looke for Bong de la Torre.