Laking Tate ang bida sa 'pinaysex.com'
May 8, 2003 | 12:00am
Isang baguhang modelo na Fil-Am girl ang napili ng Maverick Films para gumanap na bida sa pelikulang pinaysex.com na tatalakayin ang isyu tungkol sa cybersex. Matatandaang naglunsad two months ago ang nasabing film outfit ng isang search upang piliing mabuti ang ilo-launch nilang sexy star. Ito rin bale ang kauna-unahang adult film na ipo-produce ng Maverick Films.
Hindi nabigo ang direktor na si Tikoy Aguiluz pati na ang managing director ng Maverick Films sa paghahanap ng bagong mukha na magiging bida ng naturang pelikula. Balitang pinaghalong Techie Agbayani at Jenny Syquia ang beauty ng napiling Fil-Am girl. Lumaki raw ito sa Los Angeles, California kaya very liberated at open-minded.
Maliban dito, wala rin daw kyeme sa paghuhubad at napaka-daring nito ayon kay Direk Tikoy. "Dahil nga open-minded at di siya tulad ng typical conservative Filipina. Di ako nahirapan na ipaliwanag sa kanya na magpa-sexy. Matalino rin siya at naiintindihan niya ang hinihingi sa kanyang gawin na base sa script ng pelikula," wika ni Direk Tikoy. "Hindi kami nagkamali sa pagpili sa kanya. Shes oozing with X-factor at star material talaga siya. Excited na nga ako sa shooting," dagdag pa ni direk.
Nakakaintriga tuloy kung kaya bang tapatan ng baguhang ito ang pagiging daring ng ilan sa ating sikat na sexy stars.
Mukhang exciting talaga ang pelikulang ito dahil ibang hamon din ang ibinigay nito kay Direk Tikoy na kung matatandaan ay siya ring nagdirek ng Dukot Queen na nabitin ang shooting hanggang sa na-shelved na ng Viva Films. At higit pa rito ay pinag-uusapan din ang mainit na bed scene ni Sunshine Cruz at Jay Manalo.
Siya nga pala, maliban sa baguhang sexy star, kasama rin sa pelikula sina Gary Estrada, PJ Abellana at Carlo Maceda. Nandito rin si Angelu de Leon na siguradong ikagugulat ng lahat ang ginawang pagpapaseksi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended