Kahit ang sinasabing offer daw ng GMA 7 ay hindi niya alam. Wala rin daw itong knowledge of any dealings ng kanyang manager sa nasabing istasyon.
"Galit si Guy," pauna ng kausap ko. "Ayaw niyang may masabi sa kanya ang ABS-CBN. Imagine nga naman, nasa ere pa ang show niya, tapos lalabas na nakikipag-meeting na siya sa kabilang istasyon."
Sa pagtatapos ng Bituin ngayong buwan, wala pang opisyal na offer kay Nora ang ABS-CBN pero sa lakas ng viewership ng kanyang programa, tiyak na may mabigat na offer sa kanya ang istasyon.
May balita rin kami na nakatakdang simulan ni Nora ang bagong pelikula under Star Cinema. Wala pang detalye ang tungkol sa pelikula.
Speaking of Guy, excited ang kanyang mga tagahanga sa nalalapit niyang 50th birthday concert, ang Gold sa May 17 na gaganapin sa Araneta Coliseum. Special guests ni Guy si Zsazsa Padilla at ang buong cast ng Bituin tulad nina Cherie Gil, Carol Banawa, Desiree del Valle at Michael de Mesa.
Kilala si Paolo bilang isang ramp-print-commercial model. He has done fashion shows para sa mga kilalang fashion designers sa showbiz world at mga print ad para sa ibat ibang produkto. Pero mukhang nasa showbiz ang totoong direksyon ni Paolo.
"I was asked by a talent scout from Talent Center to attend their go-see which I did. Luckily, I was chosen na mag-train sa batch and soon, I will be part of the new batch," sabi ni Paolo.
Inamin ni Paolo na malaking tulong sa kanya ang pinagdaanan niyang workshop ng Talent Center. Sa ngayon kasi, dumadaan si Paolo sa training on acting, singing, dancing, personality development, hosting, grooming at public relations.
Kasama na rin si Paolo sa Klasmeyts (Coed Na!) at so far, nagi-enjoy siya sa kanyang exposure sa programa. Kung si Paolo ang masusunod, gusto niyang maging komedyante dahil aniya, masayahin siyang tao but gauging from his looks, mukhang leading man material siya. Malaki ang hawig niya kay Richard Gomez.
Lately ay naintriga si Paolo dahil ang ex-girlfriend niya ay balitang girlfriend ngayon ni Vic Sotto. But Paolo doesnt want to comment on the issue. Aniya, wala na sila ng girl at maganda naman ang naging hiwalayan nila.
Sa May 25 sa ASAP Mania ay ilo-launch si Paolo bilang isa sa ipinagmamalaking members ng Star Circle Batch 11.
"May nagawa na po ako sa Maalaala Mo Kaya noon pero itoy daily show po. Excited ako kasi iba ang role ko. Special child po ako dito," kuwento ni Serena. Ikinuwento sa akin ni Serena na matindi ang preparations niya sa role. "They made me watch Whats Eating Gilbert Grape, yun pong role ni Leonardo DiCaprio. Kaya pinanood ko naman po dahil ina-assure po ako ni Direk Erik (Reyes) at Direk Jerome (Pobocan) na aalagaan nila ako," sabi ni Serena.
Serena was last seen sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan bilang anak-anakan ni Helen Gamboa.
Sa Sunday ay Mothers Day na. Inamin ni Serena na nami-miss niya ang kanyang mommy. Ayaw nga raw niyang maalala na wala na ito dahil lalo siyang nalulungkot. Iniisip na lang niya na nasa malayong lugar ito.