Juday ayaw ng party!

Sa May 11 ay kaarawan ni Judy Ann Santos pero sa pagkakataong ito ay gusto niyang maiba naman ang selebrasyon. Gusto niyang maging tahimik ito - walang asalto ng fans at kaibigan at wala ring party. Iseselebreyt nito ang kanyang b-day nang mag-isa dahil wish niyang magkaroon ng peace of mind. Pero syempre kasama niya ang kanyang pamilya.

Maganda ang advance birthday gift kay Juday dahil sa napakagandang pelikulang Till There Was You kung saan humihirit pa hanggang sa ngayon sa takilya ang kanilang movie ni Piolo Pascual.

Magsisimula nang mag-taping si Juday ng dramedy na tatampukan nila ni Robin Padilla. May nakalinya itong movie sa Maverick Films sa direksyon ni Gil Portes.

Marami rin ang nagtatanong kung ano talaga ang real score sa kanila ni Piolo. Ayon sa aktres ay nagi-enjoy pa rin sila ng aktor sa kanilang pagiging mabuting magkaibigan. Ang mahalaga ay close sila sa isa’t isa at mayroon siyang paghihingahan ng sama ng loob o kung may dumating mang problema sa buhay.
Aiko, Pasisiglahing Muli Ang Career
Nagpapapayat ngayon nang husto si Aiko Melendez. Nais kasi nitong maging masigla uli ang career. Hindi nito matiyak kung pipirma siya ng kontrata sa ABS-CBN kung saan napapanood na siya sa ibang programa.

Sa tulong ng manager na si Wyngard Tracy ay di malayong magtuloy-tuloy ang pagbabalik-telebisyon nito gayundin sa pelikula.

Sinabi ng aktres na okey lang sakaling makatrabaho niya sina Ara Mina at Jomari Yllana. Panahon na lang ang makapagsasabi kung handa na itong kausapin si Ara. Tungkol naman sa ex-husband na si Jom ay sa text lang sila nagkakaugnayan pero noong nakaraang kasal nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektas ay nagkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap. Ngayon ay mahinahon na silang nakakapag-usap ni Jom dahil tanggap na nila ang nangyari sa kanilang buhay.

Malapit nang lumabas ang resulta ng kanilang annulment case.
Dalawang Higanteng Shows Ng Solar Entertainment
Bongga ang mga inihahatid na programa ng Solar Entertainment na napapanood sa RPN 9. Kabilang na rito ang Sex in the City, Ripley’s Believe it or Not at marami pang iba. Dalawang karagdagang shows ang napapanood gaya ng Everwood tuwing Miyerkules 9 ng gabi. Ito’y tungkol sa world-renowned neurosurgeon na si Dr. Andrew Brown na naapektuhan ang buhay nang mamatay ang asawa. Pero nakaahon ito kasama ang mga anak sa kalungkutan nang manirahan sa bayan na tinawag na Everwood.

Tuwing Huwebes naman 9 ng gabi ay napapanood ang Crossing Jordan na tinatampukan ni Jill Hennessy na nagbalik-telebisyon sa isang top-rated drama bilang si Dr. Jordan Cavanaugh na isang seksing medical examiner na nahilig sa pag-iimbestiga ng krimen.

Show comments