Kaye, may nakaraan kay Jericho

Marami ang nagulat sa impormasyon na may mga nakaraan ang mga major baget stars ng sisimulang soap opera ng ABS CBN na pinamagatang Sana’y Wala Nang Wakas.

Si Kaye Abad na ipinapareha kay John Lloyd Cruz bago ang screen team-up nito with Bea Alonzo at real romance with Ciara Sotto ay nagkaroon daw ng relasyon kay Jericho Rosales.

"Hindi naman naging kami ni Echo kahit pa may mutual crush kami sa isa’t isa. Parang ayaw ng tao dahil nagsisimula na rin nun ang tandem nila ni Tintin (Kristine Hermosa)," panimula ni Kaye sa launching ng soap na ginanap sa Barbara’s Restaurant na matatagpuan sa makasaysayang Intramuros na kung saan ay kinukunan din ang pinaka-bagong palabas ng ABS CBN.

"Nahirapan kaming gumalaw kaya, nag-decide kami na huwag na lang. Kung anuman ang nararamdaman namin for each other would have to be sacrificed for our careers. Magkaibigan na lang kami. I miss the times when he used to go to my place in Imus, Cavite gayong ang layu-layo ng place niya sa Antipolo," pagbabalik alaala ni Kaye.

Ang dalawa pa nilang kasama sa soap na sina Kristine at Marvin Agustin ay may sarili ring story to tell.

Sa Sana’y Wala Nang Wakas, magbabalik ang loveteam nina Tintin at Echo plus that of Marvin and Kaye. Sinabi ni Kaye na magugulat ang mga sumusubaybay sa kanya sa TV sapagkat ibang ibang role ang ita-tackle niya rito.

The cast also includes Gloria Romero, Cherrie Pie Picache, Serena Dalrymple, Joel Torre, Gary Estrada at Nina Ricci Alagao. Direction is by the joint team of Erick Reyes and Jerome Pobocan.
* * *
Buhay ni Ara Mina ang isasadula sa Magpakailanman ngayong gabi sa GMA7.

Makikita ang hirap na pinagdaan niya at kung paano niyang natuklasan ang lihim ng kanyang pagkatao na itinago sa kanya ng kanyang ina.

Pinamagatang
Karugtong ng Aking Buhay and hosted by Mel Tiangco, makikita rin ang pagsisimula niya sa That’ Entertainment hanggang sa maging sikat siyang bold star.

Gaganap ng roles ng parents niya sina
Daria Ramirez at Dennis Roldan, Tirso Cruz lll and Jean Saburit as Cong. and Mrs. Chuck Mathay.
* * *
Hopeless romantic ang mga Pinoy, also a sucker for beautiful love stories kaya nakasisiguro nang muli ay kakagatin nila ang mga pelikula na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan gaya ng Walang Kapalit ng Viva Films na ika-anim na pagtatambal nina Sharon Cuneta at Richard Gomez na sa kabila ng pagkakaroon nila ng sari-sariling pamilya ay iginagalang ng mga manonood dahil sa kahusayan ng kanilang craft.

Fifteen years na ang tandem ng dalawa. At kahit na hindi nagkaroon ng katuparan ang kanilang naging relasyon nung una, nananatiling maganda ang kanilang friendship na nadadala nila maging sa harap ng camera.

Show comments