Sa pagkakasali niya sa Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin, Book 2 ng malaganap na soap ng GMA7, hinuhulaang magiging madali na rin sa kanya ang tagumpay.
Tunay nga na isang malaki at magandang break ang pagkakapili sa kanya para mapasama sa Ang Iibigin. Sa dami ng mga kapwa niya bagets na artista ng GMA na nag-audition din for the role, siya ang napili.
"Wala po akong masyadong ginawa. Sinagot ko po lamang ang mga questions nila, sumayaw at kumanta nang hilingin nila ito sa akin. Wala na pong iba," anang napaka-gandang bata na 17 taon lamang pala.
"Kailangang-kailangan ko po ng mga assignments dahil breadwinner po ako ng pamilya. Tatlo po kaming magkakapatid pero may asawa na ang isa kaya I take care of my father and one younger brother," dagdag pa nito.
Sa kasamaang palad ay bulag na ang ama ni Angel. Tatlong taon na itong walang paningin. Nabulag dahilan sa na-over stressed, hindi nakayanan ng katawan nito ang masyadong ehersisyo na ginagawa nito. Unfortunately, sa panahong ito sila nagkahiwalay ng ina ni Angel. Nagpasya si Angel maiwan sa poder ng ama dahil sa inaakala niyang mas kailangan siya nito.
Pero, hindi dahilan ang pagkabulag ng ama ni Angel para hindi nito masubaybayan ang gumagandang career ng kanyang anak. Madalas nitong bigyan ng pangaral ang anak tungkol sa pagkakaroon ng disiplina sa sarili at pagiging isang professional.
"Nakakatulong din siya sa bahay. Di naman siya pabigat. At hindi naman siya totally dependent sa akin. Mayroon naman siyang pensyon sa SSS at may 5-door apartment kami na napagkukunan namin ng aming mga pangunahing pangangailangan. With my earnings, nagawa kong makabili ng sasakyan at nagpapaayos kami ng bahay ngayon," pagmamalaki ni Angel.
Sa kanyang sitwasyon sa buhay, hindi nakapagtataka kung hangarin ni Angel na maging isang mabuting alagad ng sining. "I promise, gagalingan ko ang aking craft at hindi ako magiging isang problemadong artista," pangako ng pinakabagong karagdagan sa Ang Iibigin ay Ikaw Pa Rin na si Angel Locsin.
Na-miss lamang siya nang dumalang ang mga offers. Umuwi siya ng Bacolod nung early 90s when he got married. Dalawang taon din siyang naging inactive.
It seems panahon na naman niya ngayon. After winning awards for Batang Westside here and abroad, mapapanood siya sa Ang Kapitbahay ng Imus Productions na kung saan ay naagaw niya ang asawa ni Albert Martinez na si Belinda Bright dahil sa kanyang musika. Kasali rin siya sa Chavit ng Ilocos ng Golden Lions Films topbilled by Cesar Montano, Eddie Garcia, Pinky de Leon, Dina Bonnevie and a lot more.
Nakatakda pa rin niyang gawin ang Sanib sa direksyon ni Celso Ad Castillo at isa pang soap para sa ABS-CBN na pagtatambalan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.
Dalawamput isang taon na si Joel sa pelikula at nanalo na siya ng mga award para sa mga pelikula niyang Bayaning Third World, Unfaithful Wife, Karnal, Mumbaki at marami pang iba.
Sa kasalukuyan ay sumusulat siya ng istorya na siya rin ang magdidirek para sa isang pelikula na ipoprodyus ng mga FilAm. Hindi ito ang unang pagkakataon na makakapagdirek siya. Matagal na niya itong ginagawa, simula pa nung early 90s, sa TV nga lamang.
May isa pang pagkakaabalahan si Joel. May binuksan siyang isang kainan nung Mayo 3, ang Manukan Grill na matatagpuan sa Valencia, QC, malapit sa kanyang tirahan.