Actually, nagsimulang mapansin ang talent ni Jeanne (Bunny sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak) sa mga stage musicals ni Fr. James Reuter. Naging bida siya sa isa sa mga biggest hits sa Fleur de Lis auditorium sa St. Paul College Manila, ang South Pacific. Bagay na bagay sa kanya ang role ng nurse na si Nelly.
From the legitimate stage ay nabigyan naman siya ng break sa pelikula, at siyempre sa mga musical din. Lalo pang naging household name ang Jeanne Young nang maging host siya sa mga toprated TV shows tulad ng Stop, Look, Listen, Jeanne In Motion at Spin-A-Win.
Ilan naman sa mga pinasikat niyang kanta ang "Nikey Hokey" at "Name Game".
Kahit sabihin pang anak siya ng dating movie queen na si Mila del Sol (na nag-reyna sa bakuran ng LVN Pictures noong dekada 50), Jeanne made it big through her own merits.
Iniwan niya ang showbiz nang pakasal kay Gary Hutcherson at doon sila sa Australia nanirahan. Nong mag-divorce sina Jeanne at Gary, bumalik si Jeanne sa ating bansa at madali namang na-revive ang kanyang showbiz career.
Agad naman siyang tinanggap with open arms and heart ni Kuya Germs sa Germ Special sa GMA. Nagkaroon din siya ng sariling show, ang Wake Up Call sa RPN 9. Sa programang ito lumitaw ang magagandang concepts ni Jeanne para sa isang very early morning program sa TV. Sa katunayan nga, ang mga ginagawa niya noon dito ay napapanood na rin sa ibang palabas ngayon.
Nawala sa ere si Jeanne, pero nasa showbiz pa rin siya. Ito kasi ang career which she dearly loves. Kayat kahit off the limelight, behind the scene naman ang naging trabaho ni Jeanneang pagiging producer ng mga inspirational at religious albums.
Dalawang album na handog kay Mama Mary ang ginawa niya for Viva Records na naging hit naman. Sa Universal Records naman ay produced ni Jeanne ang "The Power Of Your Love" album na certified gold.
Malapit nang ilabas ang kanyang second Universal Records project ang "Mga Misteryo ng Liwanag" o "Mysteries of Light" album.
Ang nakalulungkot lang, bago ma-release ang "Mysteries of Light" album, aalis na muli si Jeanne at pimirhan nang maninirahan sa Alabama USA. Nandoon na kasi ang kanyang mama na si Mila del Sol at ang sister ni Jeanne na si Peachy.
Nakatakdang magbiyahe si Jeanne sa May 10, para umabot sa birthday celebration ni Mila del Sol sa May 11.
Sa Hollywood, California ipinanganak si Jeanne kayat obvious na U.S. citizen siya. Isang magaling na broadcaster si Jeanne Young kayat tiyak na madali siyang magkakaroon ng magandang trabaho sa mga TV stations sa Amerika, kahit na sa EWTN (ang Catholic network na itinayo ni Mother Angelica) o kahit na sa CNN dahil world-class naman ang talent ni Jeanne.
Last May 1st, nagkaroon ng isang farewell mass para kay Jeanne.
Lubos na nagpapasalamat si Jeanne Young sa lahat ng mga taong tumulong sa kanya at mga nakatrabaho niyang muli simula nang magbalik siya noong 1993. Tiniyak niya na matatagalan bago uli siya makabalik sa ating bansa.
"But I will always be a Filipino by heart," medyo naluluhang sabi ni Jeanne. "If there would be new projects for me here, Ill be more than glad to come home."
Sa ngayon, ang priority ni Jeanne ay makapiling muli ang kanyang ina at kapatid.
"Now Ill be the one to take care of my sister Peachy, whos invalid," pagtatapat niya. "Dapat kasi talagang matiyaga ang mag-alaga sa kanya."
Samantalang tuloy pa rin ang annulment proceedings ng kanyang kasal kay Gary Hutcherson. Nasa tribunal na ito. Ipinagdarasal na lamang ni Jeanne na matapos ito ng mabilis para matapos na ang heartaches sa kanyang buhay.