Movie reporter daw siya, nagsusulat sa Text Today, isa ring tabloid pero hindi raw nababayaran, pwede ko raw ba siyang i-accommodate sa PSN?
Agad sinabi kong wala akong available na pahina. Tinanong niya ako kung magkano ang kinakailangan para makapasok siya sa PSN. Kahit nagagalit ako, sinabi kong hindi ako ganun. Habang nag-uusap kami, nakita ko na inilapit niya ang upuan niya sa katabing mesa ng aming editorial assistant na si Lanie Sapitanan. Although, I was wondering kung bakit habang nag-uusap kami ay may kung anong kinakalikot siya sa loob ng handbag niya, hindi ko yun gaanong pinansin. May time pa na nanghihiram siya ng ballpen dahil susulat daw siya ng article pero, sinabi kong sa bahay niya siya magsulat at ipadala na lamang sa akin. Mga 10 minutes siguro kaming nag-uusap bago siya tumayo at nagpaalam. Muli, hinalikan niya ako sa pisngi.
Hindi pa siya nakakababa ng spiral staircase nang malaman ni Lanie na nawala ang kanyang cellphone. Mga 12 thou ang halaga nito at galing pa ng Saudi. Hindi na ito nagtanong, agad lumabas para habulin ang bisita ko pero, di siya agad nakababa dahil may apat na bata na paakyat ng hagdan. Di rin matawagaan ang guard dahil busy ang linya.
Nagtaka pa ang mga guard kung bakit tumatakbong pababa ng hagdan ang "movie reporter". Kasunod nito, ang humahabol na si Lanie. Nagkaroon ng habulan pero, nakatakas si "bading". Nang bumalik ang guard, naalala nito na may babaeng binati si "bading" sa lobby, wala na rin ito.
Third time na ni "bading" na nakakapunta ng PSN. Yung unang dalawa, ako ang sinabi niyang pupuntahan. Dun sa third time lamang kami nagkita. Obviously, yung unang dalawang pagkakataon ay nag-ispiya lamang ito.
Di niya ako kilala dahil ipinagtanong pa niya ako sa mga kasamahan ko. Talaga palang di ko rin siya kilala. At feeling ko, di siya bading. Nagpanggap lamang siya, di kahina-hinala ang bading, kaysa kung totoo siyang lalaki.
Bago sa opisina namin, pumunta siya ng Text Today at Saksi. Nag-prisinta rin siya. Wala siyang natangay. Tatlong magkakaibang pangalan din ang ibinigay niya.
Di na siya makakabalik ng Port Area, ipina-blotter na siya ng ninakawan niya.
For the past two or three days, tawag nang tawag sa akin ang Citibank to remind me of my due payment. Siguro naman one reminder is enough pero kapag they start haunting you sa bahay at sa place of work mo, ibang bagay na yun, lalo na sa oras ng deadline ng dyaryo, I believe mortal sin na ito.
Hindi naman ako delinquent client. Minsan, nali-late ako pero, sana i-consider nila na Ive been a good client for the past years. I pay more than whats required of me. Ang dapat nilang bantayang mabuti ay yung napakaraming may utang sa kanila at pinagtataguan sila at wala silang magawa kundi ituring ang mga utang nito as bad debts. I believe, kaming mabubuting customers ay dapat nilang alagaan.
Sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal, inaasahan na mas malaki pa ang kikitain nito kesa sa last team up nina Juday at Piolo na Bakit Di Totohanin.
Ngayon pa lamang ay nag-iisip na ng follow up movie para sa dalawa.