Ganun mismo ang naramdaman ni Piolo Pascual sa katatapos lang na concert ng The Hunks sa San Diego at Hawaii, pati na rin sa solo show niya sa Dally City (San Francisco), nang marinig niyang pakorus na kinakanta ng audience ang mga kanta sa kanyang unang solo album.
"Parang gusto kong umiyak na hindi ko maintindihan, basta habang kumakanta sila, ayaw maalis ng smile ko, sobrang saya ko while they were singing with me," balita sa amin ng gwapong best supporting actor ng maraming award-giving bodies.
At magandang balita, dahil sa Linggo sa ASAP Mania ay ihahandog na ng Star Records sa actor-singer ang kanyang platinum award, mahigit na 30,000 units na ng album ng nangungunang batang aktor ang naibenta ngayon.
"Ang saya-saya ko nga nung tumawag sa akin ang Star Records, platinum na raw ang album ko, nice!" tuwang-tuwa pang sabi ng premyadong young actor.
At hindi lang yun, sa Agosto ay binubuo na ng Talent Center ang solo concert ni Piolo sa Music Museum, anim na shows yun na tatakbo sa loob ng tatlong linggo, kaya ngayon pa lang ay naghahanda na si Piolo.
Nung sabihin yun sa amin ni Piolo ay parang naliitan kami sa lugar, kung ang pagbabasehan kasi ay ang magandang pagtanggap sa kanya ng publiko, parang maliit ang Music Museum para sa kanya.
"Pero six nights po yun, Fridays and Saturdays, it will run for three weeks, kaya yung dami ng shows ang ikino-consider ng Talent Center," paliwanag sa amin ni Piolo.
Dalawang linggong nawala sa bansa ang aktor kasama ang The Hunks, at sa loob ng panahong yun ay nabigyan uli siya ng pagkakataong makasama ang kanyang ina at mga kapatid.
"Ang sarap! Okey ang bonding namin, medyo matagal ngayon! We were always together nung nandun ako, we had enough time for each other na sa Pasko na siguro uli mangyayari," kwento pa ni Piolo.
Nakalinya rin ang gagawin nilang pelikula na ang karamihan ng eksena ay kukunan pa sa Milan, Italy, ito ang unang pagsasama sa pelikula ng dalawa, kahit pa magkasama sila sa Talent Center.
Maligaya si Piolo dahil lahat ng pangarap niyay unti-unti nang naisasakatuparan ngayon, maligaya na ang personal niyang buhay ay dagsa pa ang pagdaratingan ng magagandang oportunidad sa kanyang career, kaya tumigil na siya sa paghiling.
Sa Mayo 17 ay magbibigay na ng parangal ang URIAN, at kung meron mang nominadong hanggang leeg ang tensyon ngayon, yun ay walang iba kundi si Piolo Pascual.
Ang gabi ng URIAN ang maghuhudyat kung matutupad ba ang ipinagdarasal ng maraming nagmamahal sa kanya para makuha niya ang grand slam, siya rin ay nangangarap siyempre na masulat ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng pelikula.