^

PSN Showbiz

Mikey napagsabay ang showbis at politika

-
Thirty four years old na ang vice gov. ng Pampanga at movie actor na si Mikey Macapagal Arroyo, panganay ni GMA.

Regalo sa kanya ng mga constituents niya sa Pampanga ay ang isang formal na request na nilagdaan nilang lahat sa pangunguna ng mga top official ng lalawigan para tumakbo siyang congressman para sa 2nd district ng Pampanga sa darating na eleksyon.

Nagbigay ito sa kanya at maging sa kanyang ina na dumalo sa kanyang birthday celebration na ginanap sa kanilang lalawigan nung nakaraang linggo ng malaking kagalakan.

Nasa nasabing selebrasyon din ang maybahay ni Mikey na si Angela na pinilit na hindi maging obvious ang kanyang presence.

Hindi lamang ang political career ni Mikey ang gumaganda, kundi maging ang kanyang showbiz career. Sa Masamang Ugat ng Viva Films, he gets to star with the biggest names in the industry, Eddie Garcia, Ace Vergel, Victor Neri.

"Flattered ako to be a part of the movie. Sa cast pa lamang, alam mo nang panonoorin ito. At kahit ako lamang ang masasabing baguhan dito, naramdaman ko ang support na ibinigay nila sa akin. Masarap silang ka-trabaho dahil professional silang lahat."

Sa kabila ng kanyang kaabalahan, inamin ni Mikey na prayoridad niya ang pamilya niya, ang wife niya na si Angela at ang anak nilang si Mikaela Gloria.

"Pinaka-importante sila sa akin pero, hindi ibig sabihin na hindi ko siniseryoso ang pagiging vice governor ko. I take care of the people who work for me just like my family. Tulad din sa showbiz.In all of them, I try to be the best that I can be."

vuukle comment

ACE VERGEL

ANGELA

EDDIE GARCIA

MASAMANG UGAT

MIKAELA GLORIA

MIKEY

MIKEY MACAPAGAL ARROYO

PAMPANGA

VICTOR NERI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with