Regine ayaw pag-usapan si Janno
April 30, 2003 | 12:00am
Marami ang nagtatanong kay Regine Velasquez tungkol sa naging pangyayari sa kanila nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga pero, katulad nung masangkot siya sa isyu ng human smuggling, humingi muli siya ng pang-unawa sa media sapagkat ayaw niyang mapag-usapan muna ito.
"Hindi pa ako handa. Sa ngayon ay nagpapagaling muna ako sa mga sakit na idinulot ng mga pangyayari pero, baka in the very near future, mabigyan ko rin kayo ng kasagutan, hindi pa ngayon," paki-usap niya sa pangungulit ng press sa kanya during the launching of "Pangarap Kong Ibigin Ka" Soundtrack Album mula sa Viva Records.
"Wala naman akong problema kay Janno. We in SOP miss him. Pero, I try not to think about it anymore. Di ko nga alam na he was suspended. The problem is between him and GMA.
"I get very emotional sa mga ganitong bagay and I tend to be irrational. Baka magsisi lang ako pag nagsalita ako. Marami na rin akong pinagdaanang intriga in the past pero hindi ako nagsalita, Id like to deal with my pain first," dagdag pa niya.
Meanwhile, isa na namang collectors item ang "Pangarap" soundtrack na nagtatampok sa theme song ng kanilang reunion movie ni Christopher de Leon sa Viva Films, ang "Pangarap Kong Ibigin Ka" composed by Ogie Alcasid. Inawit ito ni Regine sa movie nang solo at as a duet with Ogie.
Kasama rin sa soundtrack ang "Cant Take My Eyes Off You" na inawit ni Boyet. May mga revivals din na inawit si Regine, gaya ng "Hinahanap-Hanap Kita" ng RiverMaya at "Harana" ng Parokya ni Edgar. May song ang Tribe of Levi ("Kaligayahan Natin") at Zebedee Zuñiga ng Opera na may duet kay Regine ng "All Of My Life".
Ang Pangarap Kong Ibigin Ka ay entry sa Manila Film Festival na magaganap sa Hunyo.
Sixteen years na ang nakakaraan nang ilunsad sa Eat Bulaga si Dingdong Avanzado as the Next Pop Idol in 1987.
Tinaguriang Prince of Pop, dahilan sa napakarami niyang hits, kinikilala ang kanyang kakayahan hindi lamang bilang isang singing artist kundi bilang composer, actor, TV co-host, live performer at concert director.
Bilang pagdiriwang, magkakaroon siya ng concert sa Music Museum sa Mayo 24 na pinamagatang Dingdong Avanzado: Hightime, sa direksyon ni Louie Ignacio. Makakasama niya ang mabilis na sumisikat na si Kyla.
Masaya si Dingdong sa kanyang professional life. Given a chance, gusto niyang sumubok sa acting, pwede sa movies, TV o theater. "I have done it before in the early stage of my career. I would love to be part of it again. I miss it too."
Doubly happy siya sa kanyang personal life. Sa June, isisilang na ni Jessa (Zaragoza) ang kanilang baby girl. May pangalan na ito Janelle Amanda Avanzado na may palayaw na Jayda, kinuha sa pangalan nilang mag-asawa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am