Nanggaling ito sa pamilya ng mga artista kaya magaling umarte kahit sa character role.
Hindi nababakante sa paggawa ng pelikula ang magaling na aktor gayundin sa soap opera dahil nga kaya niyang gampanan-bida man o kontrabida.
Ngayon sa ikalawang pagkakataon ay nominado uli sa URIAN 2003 for Mano Po na nagbigay sa kanya ng ilang best supporting actress trophies.
Nabigo itong maging grand slam winner dahil hindi siya nominado sa FAP.
Pero kung mananalo ito sa URIAN ay mapapatunayan lang na talagang may ibubuga na nga sa pag-arte ang actress-TV host.
Bumulusok ang career nito sa kabila ng maraming intriga na nag-uugnay sa kanya kay Mayor Joey Marquez.
Hindi siya ang leading man ni Maye Tongco sa said movie kundi si Arianne Espina kung saan marami silang maiinit na eksena gaya ng sa ibabaw ng mesa at pagpapamalas ng ibat ibang posisyon sa pakikipagtalik.
Kung noon ay naka-brief pa ito, ngayon ay naghubad na rin ito pero naglagay naman ng plaster.
Ano naman ang masasabi ng kanyang mga schoolmates sa ginawa niyang paghuhubad?
"Yung mga kaiskwela ko sa PSBA ay supportive naman sa aking career dahil alam nilang trabaho lang ito. Hindi naman habang panahon ay magbu-bold ako dahil pangarap ko ring maging dramatic actor," sabi niya.
Isa si Dante sa matatalinong bold actor na nakilala namin. He talks with sense at maganda ang pananaw sa buhay. Kaya naman hindi ito nawawalan ng proyekto gayundin sa entablado gaya ng nakalinyang Mabini kasama si Richard Quan.
Magbabalik uli ang The Bomb under PETA sa May 2, 3, 4, 8, 9 at 10 sa Dulaang Rajah Sulayman, Fort Santiago sa direksyon ni Soxie Topacio.