Singer actor kumakanta kahit sa elevator
April 29, 2003 | 12:00am
Naaliw kami sa kwento ng isang kasamahan sa hanapbuhay tungkol sa isang singer/actor. Nakatira ito sa isang condo at wala nang ginawa kundi ang kumanta nang kumanta kahit nasa labas ng kanyang unit. Kahit nasa elevator daw ay wala itong pakialam kung may kasamang tao dahil kanta pa rin ng kanta. Recording artist na kasi ito na tinulungan ng isang sikat na songbird.
Nanggaling ito sa pamilya ng mga artista kaya magaling umarte kahit sa character role.
Ngayong darating na URIAN Awards night ay kinilala ng mga kritiko ang kahusayan ni Jay Manalo sa pagganap kaya nominado siya sa dalawang kategorya bilang best actor para sa Prosti at best supporting actor naman para sa Mano Po.
Hindi nababakante sa paggawa ng pelikula ang magaling na aktor gayundin sa soap opera dahil nga kaya niyang gampanan-bida man o kontrabida.
Unang naging nominee si Kris Aquino sa URIAN para sa best actress noong 1995 sa The Fatima Buen Story.
Ngayon sa ikalawang pagkakataon ay nominado uli sa URIAN 2003 for Mano Po na nagbigay sa kanya ng ilang best supporting actress trophies.
Nabigo itong maging grand slam winner dahil hindi siya nominado sa FAP.
Pero kung mananalo ito sa URIAN ay mapapatunayan lang na talagang may ibubuga na nga sa pag-arte ang actress-TV host.
Bumulusok ang career nito sa kabila ng maraming intriga na nag-uugnay sa kanya kay Mayor Joey Marquez.
Naimbitahan kami sa birthday ni Mila Pascual ng El Niño Films. Nakausap namin doon ang sexy actor na si Mark Dionisio na kasama sa pelikulang Kikay (dating Kikiam) kung saan may pagkakontrabida ang role nito. Type niyang maging kontrabida dahil naniniwala siyang mas challenging ang ganitong role.
Hindi siya ang leading man ni Maye Tongco sa said movie kundi si Arianne Espina kung saan marami silang maiinit na eksena gaya ng sa ibabaw ng mesa at pagpapamalas ng ibat ibang posisyon sa pakikipagtalik.
Kung noon ay naka-brief pa ito, ngayon ay naghubad na rin ito pero naglagay naman ng plaster.
Ano naman ang masasabi ng kanyang mga schoolmates sa ginawa niyang paghuhubad?
"Yung mga kaiskwela ko sa PSBA ay supportive naman sa aking career dahil alam nilang trabaho lang ito. Hindi naman habang panahon ay magbu-bold ako dahil pangarap ko ring maging dramatic actor," sabi niya.
Nakakwentuhan namin ang sexy actor na si Dante Balboa. Nahahasa na ito sa stage play na ngayoy ipinalalabas uli ang The Bomb na tumatalakay sa sexual exploitation sa movie industry at ang tinatawag na vulgarity sa showbiz. Bida dito sina Dante at Wowie de Guzman. Gagampanan nito ang papel ng isang macho bold actor na kinakalakal ang katawan para lang sumikat sa showbiz.
Isa si Dante sa matatalinong bold actor na nakilala namin. He talks with sense at maganda ang pananaw sa buhay. Kaya naman hindi ito nawawalan ng proyekto gayundin sa entablado gaya ng nakalinyang Mabini kasama si Richard Quan.
Magbabalik uli ang The Bomb under PETA sa May 2, 3, 4, 8, 9 at 10 sa Dulaang Rajah Sulayman, Fort Santiago sa direksyon ni Soxie Topacio.
Nanggaling ito sa pamilya ng mga artista kaya magaling umarte kahit sa character role.
Hindi nababakante sa paggawa ng pelikula ang magaling na aktor gayundin sa soap opera dahil nga kaya niyang gampanan-bida man o kontrabida.
Ngayon sa ikalawang pagkakataon ay nominado uli sa URIAN 2003 for Mano Po na nagbigay sa kanya ng ilang best supporting actress trophies.
Nabigo itong maging grand slam winner dahil hindi siya nominado sa FAP.
Pero kung mananalo ito sa URIAN ay mapapatunayan lang na talagang may ibubuga na nga sa pag-arte ang actress-TV host.
Bumulusok ang career nito sa kabila ng maraming intriga na nag-uugnay sa kanya kay Mayor Joey Marquez.
Hindi siya ang leading man ni Maye Tongco sa said movie kundi si Arianne Espina kung saan marami silang maiinit na eksena gaya ng sa ibabaw ng mesa at pagpapamalas ng ibat ibang posisyon sa pakikipagtalik.
Kung noon ay naka-brief pa ito, ngayon ay naghubad na rin ito pero naglagay naman ng plaster.
Ano naman ang masasabi ng kanyang mga schoolmates sa ginawa niyang paghuhubad?
"Yung mga kaiskwela ko sa PSBA ay supportive naman sa aking career dahil alam nilang trabaho lang ito. Hindi naman habang panahon ay magbu-bold ako dahil pangarap ko ring maging dramatic actor," sabi niya.
Isa si Dante sa matatalinong bold actor na nakilala namin. He talks with sense at maganda ang pananaw sa buhay. Kaya naman hindi ito nawawalan ng proyekto gayundin sa entablado gaya ng nakalinyang Mabini kasama si Richard Quan.
Magbabalik uli ang The Bomb under PETA sa May 2, 3, 4, 8, 9 at 10 sa Dulaang Rajah Sulayman, Fort Santiago sa direksyon ni Soxie Topacio.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended