Tunay na challenging ang ginampanang role ni Dingdong bilang si Marco, ang lalaking buong buhay na minahal at sinamba si Anna (Regine). Sa may dalampasigan unang nakita ni Marco si Anna noong bata pa siya at agad siyang nabighani sa dalaga. Dito niya laging hinahanap si Anna, ang kanyang obsesyon. Subalit sadyang pinaglayo ang kanilang landas at muli lamang silang pinagtagpo pagkaraan ng anim na taon. Sa panahong ito, maraming pasakit ang naranasan ni Anna na naging dahilan sa kaniyang pagbabago. Samantala, handa na ang ngayoy binatang si Marco na ibigay ang kaniyang buong sarili sa babaing magmumulat sa kanyang kamalayan sa init ng pag-ibig.
Saksihan sa natatanging pagkakataon, ang pagiging daring ni Dingdong sa telebisyon at ang kakaibang Regine na malayo sa kanyang feel-good movies sa isang TV movie special ngayong Linggo, April 27, 9:30 ng gabi, sa inyong nag-iisang Kapuso, GMA.