Sex Bomb, mas dinudumog kaysa sa mga artistang kasama nila

Malayo na talaga ang narating ng Sex Bomb dahil kahit saan magtungo ay pinagkakaguluhan sila.

Mas tinitilian pa nga sila kaysa sa mga artista kapag may show.

Lahat ng shows nila sa pangunguna ni Rochelle Pangilinan ay patok na patok kung saan pati mga bata ay sila rin ang paborito.

Ngayon pa lang ay inaabangan na ang major concert nila sa Cuneta Astrodome sa Mayo 30 sponsored by PMA Class 77 sa pangunguna nina Col. Armando Taluban at P/S Supt. Orlando Pestano. Isa rin sa punung-abala dito si Jessie Engson. Magiging special guest nila si Janno Gibbs at ang Power Image Dancers sa direksyon ni Louie Guarin.
Direk Mel, Nagagalingan Kay Aubrey
Hanga si Direk Mel Chionglo kay Aubrey Miles. Naniniwala ito na gaya ni Ara Mina ay malayo rin ang mararating nito balang araw bilang magaling na aktres.

Lahat ng episode nito sa Xerex ay maganda. Umiikot ang istorya kay Aubrey na nabigyang buhay naman niya. Kabado na ang aktres kaya panay ang dasal nito na sana’y kumita ang pelikula.

Pinakagusto ni Aubrey na kapareha si Jake Roxas dahil matagal na silang magkakilala. After their daring scenes ay nagtatawanan lang silang dalawa.
Dina-Monsour, May Relasyon?
Sa presscon ng The Chavit Singson Story ay naitanong namin kung totoo bang may namumuong relasyon sa pagitan nina Dina Bonnevie sa movie at Monsour del Rosario.

Ayon sa magandang aktres ay hindi siya nililigawan ng aktor.

"Magkaibigan lang kami ni Monsour at kahit noong mag-on pa sila ni Dawn Zulueta ay magkaibigan na kami kaya matagal-tagal na ring panahon ito. Iisa ang aming manager nagkakasama kami sa mga lakaran. Siya rin ang nag-escort sa akin sa mga awards night gaya ng FAP at FAMAS," aniya.
Blind Item: Dating Produ, Nagtitiis Ng Init Sa Bilangguan
Noon ay parang wala nang katapusan ang mundo sa prodyuser na ito, halos parang hari ang turing sa kanya ng mga tao dahil sa dami ng negosyo niya. May mga babae pa nga na crush ang lalaking ito dahil bukod sa mabait ay ma-appeal din naman kahit may asawa na. Kahit hindi kagwapuhan. Magara ang kanyang tahanan at puro airconditioned ang mga kuwarto. Marami ring siyang mamahaling sasakyan na fully aircon din.

Nakakaawa dahil ngayon ay nasa bilangguan ito, naiinitan kaya naka-short lang, nakatsinelas at tinatabingan ang buong katawan ng malaking tuwalya. Maliit din ang hinihigaan nito. Hindi pa rin ito nawawalan ng dalaw, yon nga lang ang mga dumadalaw ay hindi mga mahal sa buhay kundi mga taong naniningil pa rin sa kanya kung saan dala-dala pa ang mga papeles nila bilang pagpapatunay kung magkano ang perang na-invest sa kanyang kompanya. Makalabas pa kaya ang produ na ito?

Show comments