Matatandaang huli niyang pelikula ang Lastikman, kung saan kontrabida ni Vic Sotto ang role niya. Kumita ang pelikula ng higit pa sa kanilang inaasahan.
Isa na namang pelikula ang nakalaan niyang gawin. Ito ang Asboons Asal-Bobo na makakasama niya sina Vhong Navarro, Dencio Padilla, Jr,. Paolo Contis at marami pang iba. Isang pelikula ng World Arts Cinema na puno ng action at katatawanan.
Sabi ni Epi, "Malaking pagkakaiba nito sa iba ko pang naging movie. Madugo kasi ito, eh. Binabasa ko pa lang ang script ay alam ko na ang aabutin naming hirap sa paggawa nito. Military story kasi kaya alam ko na ang mangyayari. Sa training pa lang ay baka mas mahirap pa ang danasin ko kaysa naranasan ko sa ROTC.
"Magpapakalbo pa kami rito at totoong military ang gugupit sa amin. Alam ko, marami akong matututunan dito sa movie. Kahit pelikula lang ay mararanasan ko kung ano ang buhay sa military.
"Hindi kasi dapat nangyayari itong giyera, kasi maraming nadadamay kahit mga walang kinalaman, kahit mga batang walang malay. No war is justifiable. Bakit kailangang mangyari ito?" tanong ni Epi.
Nakatakda rin mag-guest si Epi sa Kakabakaba ang horror-comedy program ng GMA7, kasama ang dalawa pang Quizon na sina Boy II at Vandolph. Magkakasama ang tatlo sa iisang episode sa susunod na buwan. Luz Candaba