Kuh, ayaw mag-pelikula kung kontrabida ang papel

"Baka batuhin lang ako ng kamatis ng mga manonood ng concerts ko," ang sagot ni Kuh Ledesma kung tatanggapin niya ang mga movie offers na tinatanggihan niya.

"Pwede pa siguro kung hindi ako kontrabida through and through. At kung may redeeming value ang pagiging kontrabida ko," dagdag pa niya.

On May 16 and 17, magkakaroon ng isang concert ang tinaguriang Pop Diva sa Music Museum na pinamagatang Kuh Hits Back. Kinabukasan ipagdiriwang niya ang kanyang ika-25 na anibersaryo sa showbiz. Pupunta rin siya ng States.

Sa concert, magiging bahagi ng kanyang repertoire ang mga hit songs niya –"Dito Ba", "Sino Ang Baliw", "Bulaklak", "Till I Met You", "I Think I’m In Love" at marami pa – favorite recorded songs, mga komposisyon ni Cecile Azarcon, awitin ni Grace Nono at mga awitin na makakasama sa kanyang gagawing inspirational album.

Ang Kuh Hits Back ay pagbabalik din niya sa Music Museum, isang paborito niyang venue. Makakasama niya sa concert sina Kyla at Ara Mina. Para sa iba pang detalye, tumawag sa 7216726 at 7210635 o 5517251 hanggang 55.
* * *
Isa pang mabilis na sumisikat na singer ngayon bukod kay Kyla ay si Nina. Kaya nga inaasahan na magiging isang malaking event ang pagtatambal nila ni Kyla sa isang musical event na magaganap sa Ratsky Morato sa Abril 30, 8:30 n.g. na pinamagatang Coldwar. Kung si Kyla ay tinaguriang R&B Princess, si Nina ay Soul Siren.

Bagaman at maituturing na isang baguhan sa kanyang larangang pinasok, mayroon nang isang album si Nina na may pamagat na "Nina Heaven". Kasalukuyan itong tumatanggap ng magagandang reviews at papuri.

"Hindi ako makapaniwala. Dati kasi pinakikinggan ko ang mga paborito kong singer sa radyo. Ngayon naririnig ko na ang mga awitin ko sa radyo. I’m simply overwhelmed," anang 21-taong gulang na singer.

Katulad ni Kyla, isa sa musical influences ni Nina ay si Mariah Carey. Kasama rin siya sa SOP at dati ay may segment sa show na magkasama sila ni Kyla kung kaya lalong umiigting ang pagkukumpara sa kanila. Kahit ayaw nila itong pansinin at ayaw nilang paapekto, inaasahan ang mahigpit na paglalaban nilang dalawa in the very near future.

Show comments