Santakrusan 2003 sa Binangonan
April 25, 2003 | 12:00am
Ang "Kayla" ng soap opera sa Kay Tagal Kang Hinintay na si Dimples Romana ang napiling Reyna Elena sa Santacruzan na gaganapin sa Binangonan, Rizal sa Mayo 4 sa ganap na ika-7 ng gabi, araw ng Pista ng Mahal na Krus sa Brgy. Libid.
Nakagawian na ng bayang Binangonan, ang bayang itinuring na mayaman sa sining, kultura at tradisyon, na kumuha ng mga artista para gumaganap bilang Reyna Elena. At ayon sa nakakasaksi ng nasabing Santacruzan, ay nagiging maunlad ang kanilang career katulad nina Judy Ann Santos, Rica Peralejo, Beth Tamayo, Alma Concepcion, Jessa Zaragoza, Marianne dela Riva, Tina Monasterio, Hazel Espinoza, Ana Roces, Lindsay Custodio, Kaye Abad, Paula Peralejo, Krista Ranillo at Jodi Sta. Maria.
Ang gown na isusuot ni Dimples ay nilikha ng sikat na designer na si Ronald "Aya" Lozada ng Ramaya Collections. Si Harvey Ojascastro ang Konstantino.
Ayon kay Gomer O. Celestial, chair ng Komite ng Santacruzan, ito ay lalahukan ng magagandang kabataan ng bawat barangay at mga nagwagi sa timpalak kagandahan ng Bb. Binangonan 2003.
Ang Santacruzan ay itinataguyod ng Sangguniang Barangay ng Libid sa pamumuno ni Brgy. Chairman Larry G. Arada, at sa pakikipagtulungan ng Binangonan Federation of Womens Club, sa pamumuno ni Dra. Rose Martha C. Ynares, Creamsilk Shampoo, Close-up ng Unilever Phils., Michael Andrade, Gov. Nini Ynarez, Cong. Jack Duavit, Mayor Cesar Ynares, G. at Gng. Joel Gaviño, G. at Gng. Noel Tiraña, Binangonan Riders Club at Kabalikat Civicom para sa kaayusan ng prusisyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended