^

PSN Showbiz

Kung si Regine inilublob sa ilog, si Kyla naman sa dram ng tubig!

- Veronica R. Samio -
Magandang tip yata ito sa mga nagnanais na maging isang magaling at mahusay na manganganta. Both Regine Velasquez and Kyla have turned out to be better than their contemporaries. May magandang resulta ang ginagawang paglulublob kay Regine ng kanyang amang si Mang Gerry nun sa ilog para mapahaba ang kanyang breathing na importanteng-importante sa isang kumakanta. Naging isang magaling ding singer si Kyla na nung maliit siya ay inilulublob naman ng kanyang ama sa isang dram ng tubig. Takot na takot daw siyang makuryente dahilan sa may hawak-hawak siyang microphone.

Bago sa TV ay naunang nakilala si Kyla sa radyo. It was her kuya na isang computer engineer at pormal na nag-aral ng gitara kaya nakakabasa ng nota, ang nag-encourage sa kanya na magpadala ng demo tape sa EMI-Music, dalawang taon na ang nakakaraan. Makaraan ang dalawang linggo ay pinag-record na siya agad bago pa siya pinapirma ng kontrata sa nasabing kumpanya ng recording. Ito ang awiting "One More Try" na nagbigay sa kanya ng maagang recognition.

Maliit pang bata ay pangarap na ni Kyla ang makita ang sarili na nagpi-perform. At the age of 13 ay nakapasok siya ng That’s Entertainment. Nakasabay niya sina Kim delos Santos at Rufa Mae Quinto. Hindi pa siya Kyla nun. Gamit pa niya ang tunay niyang pangalan na Melanie. Si Chito Ilacad ang nagpasyang baguhin ito at gawing Kyla para mapaiba. Kinuha lamang ito sa dictionary na ang ibig sabihin ay princess.

Kumakanta ang buo niyang pamilya, magmula sa kanyang ama na isang CPA lawyer hanggang sa kanyang ina at tatlong kapatid. Ang kanyang ate na isang law stude ay nag-aral ding tumugtog ng gitara tulad ng kanyang kuya. Parehong naging myembro ng choir ang kanyang mga magulang.

Pangarap ni Kyla na maging isang international singer pero, hindi siya nagmamadali.

Masaya na siya na regular na napapanood sa SOP. Pinakamalapit niyang kaibigan dito ay si Karylle.

Happy din siya na marami siyang show na nilalabasan, ang pinakahuli ang ang Kuh Hits Back na magaganap sa Music Museum sa Mayo 16 at 17. Syempre, star dito si Miss Kuh Ledesma at silang dalawa ni Ara Mina ang guests.

"I was stunned nang imbitahin ako ni Miss Kuh para sa show," amin ni Kyla.

She is proud na sell out ang kanyang very first major concert na ginanap sa Music Museum.

"Greatest fear ko lang ay baka yumabang ako dahilan sa mabilis na pagtanggap sa akin ng tao. Nung bata kasi ako at hanggang ngayon naman ay napaka-mahiyain ko. Pero, kapag kumakanta na ako sa stage ay nawawala ito, lumalakas ang loob ko. I remember na marami rin akong rejection na natanggap nung bago pa lamang ako. Mayroon pa nga na talagang nilait-lait ako. I look back and realize na wala akong dapat ipagdamdam, bahagi ito ng aking growth as an artist," pagtatapos ni Kyla.
*****
Email: [email protected]

ARA MINA

CHITO ILACAD

ISANG

KANYANG

KUH HITS BACK

KYLA

MANG GERRY

MUSIC MUSEUM

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with