Inamin ni Aiko na na-miss talaga niya ang lumabas sa telebisyon. Mula kasi nang mahalal siya bilang konsehala ng 2nd District ng Quezon City, doon nabuhos ang kanyang panahon. Marami ang nag-akala na tuluyan na niyang tinalikuran ang kanyang showbiz career.
"Ako rin, I thought, nag-quit na ako," sabi nito. "Naging busy talaga ako kasi mabigat yung responsibilities ko. May umaasa sa aking mga kababayan ko. Kaya ibinuhos ko talaga ang time ko sa kanila, especially yung youth na talagang todo suporta sa akin."
Medyo hindi malinaw yung sagot sa akin ni Aiko when asked about her political plans. Kung may plano ba siyang tumakbo for a higher position.
"Wag na muna yang politics na yan," sabi nito. "Magtrabaho na lang muna tayo. Masaya ako sa trabaho ko ngayon as public servant. At least, may time na ako ngayon na mag-TV muna, kasi naipuwesto ko na yung mga projects ko. Implementation na lang."
Tinawanan lang ni Aiko yung mga balitang nagli-link sa kanya kina Mayor Sonny Belmonte at Vice Mayor Herbert Bautista.
Tonight at 9 pm sa ABS-CBN, bida sina Aiko at Roderick Paulate sa episode ng Maalaala Mo Kaya.
Dear Mr. Salut,
Isa po ako sa masugid na tagahanga ni Aiza Marquez. Even noong nasa Viva pa siya, gustung-gusto ko na siya. Kaya masaya ako nang pumirma na siya sa ABS-CBN. Mula nang pumasok siya sa ABS, madalas ko na siyang mapanood like Maalaala Mo Kaya, Star Studio at Tanging Yaman. Lalo akong sumaya nang mabasa ko na kasama na siya sa Darating Ang Umaga bilang love interest ni Danilo Barrios. Kaya lang, ilang buwan na ang dumaan, hindi ko pa rin napapanood ang idol ko. Buti pa sina Jodi Sta. Maria at Patrick Garcia, madalas kong mapanood. Lalabas po ba siya sa soap na yun? Kasi mukhang di na po e. Sana po, pakiparating ang hinaing kong ito sa management ng ABS-CBN.
Sana po, magkaroon ka ng kasagutan sa sulat ko dahil talagang gustung-gusto naming magpipinsan si Aiza. Ilan din po sa mga idols namin sina Claudine Barretto, Kristine Hermosa, Piolo Pascual, KC Concepcion, Luis Manzano, Camille Prats, Heart Evangelista, John Prats, Bea Alonzo at John Lloyd Cruz. More power sa iyo at sa PSN.
After kong mabasa ang sulat ni Rowena, agad kong tinawagan si Mr. Raymund Dizon, executive producer ng Darating Ang Umaga at nakuha ko ang sagot.
According to Raymund, "Definitely, Aiza is appearing in the soap. Her character, Ella is very vital in the show. The fans need not worry dahil dinivelop namin nang husto ang character ni Aiza. Few weeks from now, mapapanood na siya.