Tsinugi sa soap dahil sa selosang nobya
April 24, 2003 | 12:00am
Maraming fans ni Biboy Ramirez ang maghahanap sa kanya dahil hindi na ito makikita sa soap na Kahit Kailan na napapanood tuwing Linggo makatapos ang SOP sa GMA.
Si Biboy sana ay bini-build up na kapareha ni Nancy Castiglione sa nasabing palabas pero hindi naman ito mabigyan ng mga nakakikiliting eksena ng romansa dahilan sa selosa raw ang girlfriend nito. Maski na raw simpleng kissing scene ay nagiging dahilan ng pagseselos nito. Para hindi na magkaroon ng problema sa aktor ang mga tao sa likod ng Kahit Kailan ay tinanggal na lamang nila ang karakter na ginagampanan nito sa serye.
Ngayon pa lamang ay inaabangan na ang unang pagtatambal ng hari ng aksyon (Fernando Poe, Jr.) at ng hari ng bilyar (Efren "Bata" Reyes) sa pelikula na ginagawa ng FPJ Productions. Syempre, dahilan sa presence ng tsampyon sa larong bilyar na si Efren Bata sa movie kung kaya ang pangunahing sangkap ng pelikula na kanilang pinagsasamahan ay mga kapana-panabik na laro ng bilyar. Si FPJ man ay sanay sa bilyar bagaman at itinuturing niya na isang karangalan ang makasama si Bata sa isang proyekto ng pelikula na pinamagatang Pakners.
Gumaganap na mga kapareha nila sa pelikula sina January "Lumen" Isaac sa pamosong detergent ad at si Candy Pangilinan. Kasama rin sina Oyo Boy Sotto at Toni Gonzaga, Aiai delas Alas, Rico J. Puno, Tia Pusit, Gerald Espiritu, Pocholo Montes at Dick Israel.
Pinaka-highlight ng movie ang San Miguel Beer 9-Ball National Doubles Challenge nina FPJ at Bata bilang kinatawan ng Pilipinas laban sa US team nina McGrady at Jackson. Kapwa endorser ng San Miguel Beer sina FPJ at Bata.
Para masiguro ang tagumpay ng reunion movie nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual na pinamagatang Till There Was You under Star Cinema, bibisita ang dalawa sa mga malls ngayong Abril bilang paghahanda sa pagbubukas nito sa mga sinehan sa Abril 30.
Napanood silang kumanta at pumirma ng autographs sa Ka-Pamilya Tour na itinataguyod ng ABS CBN noong Abril 9, Sta. Lucia East para sa isang Grand Fans Day; Abril 10, SM Manila; April 11, SM Bicutan; April 12, SM Bacoor at April 27, SM North Edsa. Lahat ng palabas ay libre at ginaganap sa mga activity centers sa ika-4 n.h.
Ang Till There Was You ang carrier single ng debut album ni Piolo sa Ogrecords, special label ng Star Records. Malapit na itong maging platinum.
Si Biboy sana ay bini-build up na kapareha ni Nancy Castiglione sa nasabing palabas pero hindi naman ito mabigyan ng mga nakakikiliting eksena ng romansa dahilan sa selosa raw ang girlfriend nito. Maski na raw simpleng kissing scene ay nagiging dahilan ng pagseselos nito. Para hindi na magkaroon ng problema sa aktor ang mga tao sa likod ng Kahit Kailan ay tinanggal na lamang nila ang karakter na ginagampanan nito sa serye.
Gumaganap na mga kapareha nila sa pelikula sina January "Lumen" Isaac sa pamosong detergent ad at si Candy Pangilinan. Kasama rin sina Oyo Boy Sotto at Toni Gonzaga, Aiai delas Alas, Rico J. Puno, Tia Pusit, Gerald Espiritu, Pocholo Montes at Dick Israel.
Pinaka-highlight ng movie ang San Miguel Beer 9-Ball National Doubles Challenge nina FPJ at Bata bilang kinatawan ng Pilipinas laban sa US team nina McGrady at Jackson. Kapwa endorser ng San Miguel Beer sina FPJ at Bata.
Napanood silang kumanta at pumirma ng autographs sa Ka-Pamilya Tour na itinataguyod ng ABS CBN noong Abril 9, Sta. Lucia East para sa isang Grand Fans Day; Abril 10, SM Manila; April 11, SM Bicutan; April 12, SM Bacoor at April 27, SM North Edsa. Lahat ng palabas ay libre at ginaganap sa mga activity centers sa ika-4 n.h.
Ang Till There Was You ang carrier single ng debut album ni Piolo sa Ogrecords, special label ng Star Records. Malapit na itong maging platinum.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended