Morning Girls o Sis: Sino ang tunay na No. 1?

Nag-leave pala si Ms. Arlene de Castro nang bumalik sa puwesto si Atty. Dong Puno as head of ABS-CBN News and Current Affairs. Marami raw kasing na-rejoice nang bumalik sa puwesto si Atty. Puno especially ‘yung mga nawalan halos ng show sa time ni Ms. De Castro dahil nagkaroon nga raw ng favoritism.

Like sa case nga ni Julius Babao and Mark Logan na nawalan halos ng exposure sa mga shows ng News and Current Affairs na ngayon ay pinakiusapan ni Atty. Puno na ‘wag na lang umalis dahil nakatanggap nga ang dalawa ng offer from GMA 7.
* * *
Sobrang takot siguro ang nararamdaman ngayon ni Donita Rose dahil sa SARS. May reported cases na kasi ng SARS sa Singapore kung saan siya naka-base ngayon as MTV VJ.

Tapos malapit na rin ang wedding niya so kailangan niya talagang mag-travel.

Pero ayon sa ilang close friends niya, walang urungan ang wedding ng MTV VJ.
* * *
Nanonood ba kayo ng Morning Girls with Kris and Korina? Lately, I woke up early so nagkaroon ako ng chance na panoorin ang program at napansin ko na ini-emphasize nilang sila na ang no. 1. Pero may nagki-claim din na no. 1 naman ang Sis hosted by Janice and Gelli de Belen. So ano ba talaga? Sino ba talaga ang no. 1? So PSN readers kayo ang magsabi kung sino talaga ang No. 1 - Morning Girls o Sis? Para sa inyong vote please text - psn<space>fb<space>biz<space> message+name and address to 2333 - globe/touchmobile talk/211 smart/&text.
* * *
From My In Box

My day will not be complete without PSN at binabasa ko lahat ng column and of course including yours. I just want to share my opinion regarding sa rivalry ng dalawang malaking network, ang ABS-CBN at GMA. Honestly, I used to watch ABS-CBN programs at paminsan-minsan sa GMA rin. Napansin ko lang na hindi bumabanggit ang 2 ng any words na against 7, what I mean to say is yung mga parinig baga. Hindi rin sila masyadong nagre-react sa mga ratings, o kung ano man. Basta ipinalalabas lang nila ang program nila ng maayos at walang tinatamaan.

Samantalang yung sa 7, sa mga sitcom nila at lalo na sa noontime show nila eh lagi silang nagbibitiw ng mga salitang pagpaparinig sa kabilang station. Lagi rin nilang pinangangalandakan na mataas ang rating nila, lagi silang naka-focus sa rating. Pag may bagong program sa 2 o dili kaya ay bagong mga gimik, sasabihin naman ng 7 na sila ang nauna sa idea na yon at ginagaya sila. Pwede! wag yan ang pag-aksayahan n’yo ng panahon!!! Pagbutihin n’yo na lang ang pagbibigay n’yo ng kasiyahan sa inyong mga manonood para naman marami ang totoong tumangkilik sa inyo. Huwag kayong react nang react dahil baka insecure lang kayo.

Yun lang po Ms. Salve. Paki-greet na lang din po ang husband ko na si Cris, my mom, mga friends ko sa Daiho, at sa lahat ng PSN readers. Thanks and more power!!!

Wheng Falamig


San Pablo City

Show comments