Husgahan si Tracy!

Talagang napaka-daring ng Punla na pinagbibidahan ni Emilio Garcia at ang headline-grabbing controversial star na si Tracy Torres. Napaka-sensitive pala ng plot ng pelikulang ito dahil ito’y tungkol sa mag-asawang pumapayag mag-threesome dahil gusto nilang magka-anak. Sa isang napaka-‘risque’ na eksena, pumapayag ang asawang si Emilio, na makipagtalik ang kanyang wife na si Tracy sa iba (si Eric Parilla), para lang magka-anak sila. No wonder na napaka-kontrobersyal ng tema ng pelikulang ito. Bukod dito, maraming mga sizzling scenes ang naganap between Tracy and her leading man.

Huhusgahan na ngayon sina Tracy at Emilio sa pagbubukas ng Punla sa mga sinehan. Mamimigay si Tracy ng mga itlog na iba’t ibang klase, balot, penoy, hard-boiled, you name it. Mag-iikot si Tracy at Emilio, kasama si John Apacible at si Clarissa Mercado, winner ng Ms. Boracay Beauty, sa mga lobby ng mga sinehan.

Magkita-kita tayo!

Show comments