Lani, hi & hello lang kay Rufa Mae!

Naitanong ko kay Lani Mercado kung may death threat pa bang natatanggap si Bong Revilla bilang Chairman ng Videogram Regulatory Board? "Mas nakakatakot nga ngayon dahil sa nangyayaring giyera kung saan apektado rin ang Mindanao. May death threat pa rin si Bong pero ipinapasa-Diyos na lang namin ito. Sana naman matapos na ang kaguluhan lalo na sa Iraq para maging tahimik na ang mundo," sey nito.

Ano naman ang masasabi mo tungkol sa pagkakaugnay ng pangalan ng iyong asawa kay Rufa Mae Quinto kung saan hindi pa rin namamatay ang issue?

"Tita Emy, hindi na ako nagri-react tungkol sa intriga ni Bong kay Rufa Mae. Sanay na ako dahil sa dami ng babaeng na-link sa aking asawa. Nagkita na kami nito minsan sa SOP at hi!, hello! and goodbye! lang ang nasabi ko sa kanya," sey pa nito.

Bumait na ang role ni Lani bilang si Madonna sa soap opera na Ang Iibigan Ay Ikaw ng GMA 7.
Jon, Gustong Maging Action Star
Wala namang regrets si Jon Hall sa pagpasok nito sa bold movies. Gusto niyang matikman ang lahat ng uri ng pelikula-drama, komedi at aksyon. Pero kung siya ang masusunod, nais niyang maging action star-tipong ala-Jean Claude Van Damme sa Streetfighter. Malaki ang potensyal nitong sumikat dahil hindi nahirapan sa kanya si Direk Mel Chionglo sa kabila ng pagiging baguhang aktor.

Gusto niyang matuto ng Tagalog dahil lumaki ito sa Florida.

Paano nagsimula si Jon sa showbiz? Ayon sa aktor, modelo siya ng Bench hanggang kinuha ng isang advertising agency para i-manage ang career.

Pangarap niyang magkaroon ng nobyang sexy, faithful at may sense of humor.

Show comments