Award ni Billy Crawford, di ibinigay ng FAMAS
April 20, 2003 | 12:00am
Ayon sa kwento ni German "Kuya Germs" Moreno, si Billy (Joe) Crawford sana ang recipient ng Ciriaco Santiago Memorial Award sa nakaraang Famas Awards. Nagtaka pa ito nang hindi ipinagkaloob ng naturang awards giving body.
"Matagal nang sinabi sa akin ito ng FAMAS. Katunayan, nakapagpadala pa sa akin ng taped acceptance speech ni Billy ang kanyang inang si Mayette Crawford. Kalakip din nito ang isang taped apology ni Billy dahilan sa hindi siya makakadalo sa Famas Awards sapagkat mayroon siyang shooting ng kanyang pelikula at may ilan siyang promo shows for his album.
"Nagulat na lang ako nang sabihan ako ng FAMAS na hindi nila maipagkakaloob ang award kay Billy dahilan sa hindi pa raw nakapagbabayad sa kanila ng dues ang pamilya Santiago na siyang nagtataguyod ng nasabing special award. Kung sinabi nila ito sa akin ng maaga ay sinabi ko sana sa kanila na ako na lang muna ang magbabayad ng fee. Im sure wala lamang nakakapag-paalala sa mga Santiago ng kanilang obligasyon sa Famas," ani Kuya Germs na nanghihinayang dahilan sa effort na ginawa ng ina ni Billy para lamang mapaghandaan ang naturang Famas award para sa kanyang anak tapos di pala itutuloy.
Inamin ni Cesar Montano na baka hindi niya tinanggap ang pelikula ng Golden Lions Films na Chavit ng Ilocos kung kasama sa istorya ang impeachment ni dating Pangulong Erap Estrada.
"Di na aabot pa sa impeachment ang pelikula. Magku-concentrate ito sa pagiging isang police officer ni Chavit Singson at ang dating hidwaan nila ni Crisologo. Kaya nga magiging maaksyon ang pelikula. Walang sinabi dito ang The Godfather ng Hollywood.
"From my talk with the former governor, nalaman ko na mahigit pala sa 10 ulit na nalagay ang buhay niya sa panganib. Makikita ito sa pelikula, ang mga di kapani-paniwalang mga ambush na ginawa sa kanya at naligtasan niya.
"Akala ko nga di ko magagawa ang movie dahil akala ko nakuha na ni FPJ ang rights for the story," ani Cesar na naniniwala na privileged siya to be playing Chavit Singson.
Makakasama niya sa movie sina Dina Bonnevie, Eddie Garcia, Tirso Cruz III, Pinky de Leon, Joel Torre at ipakikilala si Danita Paner.
Talagang pagdating sa gimikan, hindi pahuhuli itong si Tracy Torres. Sa opening ng kanyang pelikulang Punla para sa Leo Films ay mamimigay ito ng itlog sa mga sinehan. Ibat ibang klase ng itlog, maalat, nilaga, pugo, itlog na may datrils (ibig sabihin pera), atbp. Mamimigay din ito ng mga sexy photos at libreng kiss sa mga manonood ng movie niya sa mga sinehan na iikutan niya. Kaya, go na kayo at tingnan in person ang napaka-ganda at daring na sexy newcomer.
Kasama niya sa pelikula sina Emilio Garcia, John Apacible at Eric Parilla.
"Matagal nang sinabi sa akin ito ng FAMAS. Katunayan, nakapagpadala pa sa akin ng taped acceptance speech ni Billy ang kanyang inang si Mayette Crawford. Kalakip din nito ang isang taped apology ni Billy dahilan sa hindi siya makakadalo sa Famas Awards sapagkat mayroon siyang shooting ng kanyang pelikula at may ilan siyang promo shows for his album.
"Nagulat na lang ako nang sabihan ako ng FAMAS na hindi nila maipagkakaloob ang award kay Billy dahilan sa hindi pa raw nakapagbabayad sa kanila ng dues ang pamilya Santiago na siyang nagtataguyod ng nasabing special award. Kung sinabi nila ito sa akin ng maaga ay sinabi ko sana sa kanila na ako na lang muna ang magbabayad ng fee. Im sure wala lamang nakakapag-paalala sa mga Santiago ng kanilang obligasyon sa Famas," ani Kuya Germs na nanghihinayang dahilan sa effort na ginawa ng ina ni Billy para lamang mapaghandaan ang naturang Famas award para sa kanyang anak tapos di pala itutuloy.
"Di na aabot pa sa impeachment ang pelikula. Magku-concentrate ito sa pagiging isang police officer ni Chavit Singson at ang dating hidwaan nila ni Crisologo. Kaya nga magiging maaksyon ang pelikula. Walang sinabi dito ang The Godfather ng Hollywood.
"From my talk with the former governor, nalaman ko na mahigit pala sa 10 ulit na nalagay ang buhay niya sa panganib. Makikita ito sa pelikula, ang mga di kapani-paniwalang mga ambush na ginawa sa kanya at naligtasan niya.
"Akala ko nga di ko magagawa ang movie dahil akala ko nakuha na ni FPJ ang rights for the story," ani Cesar na naniniwala na privileged siya to be playing Chavit Singson.
Makakasama niya sa movie sina Dina Bonnevie, Eddie Garcia, Tirso Cruz III, Pinky de Leon, Joel Torre at ipakikilala si Danita Paner.
Kasama niya sa pelikula sina Emilio Garcia, John Apacible at Eric Parilla.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am