Pops, P90 thou ang hininging TF sa TV?
April 17, 2003 | 12:00am
Isang mapagkakatiwalaang source ang nagsabi sa akin na dapat sana ay kinukuha si Pops Fernandez para maging guest sa kasalukuyang episode sa Nagmamahal, Manay Gina.
Hindi kinaya ng budget ng programa ang kanyang asking price na P90 thousand.
Kung sakali ay pinaka-malaking bayad daw ito na tatanggapin sana ng isang magi-guest sa isang TV program.
Sa halip ay si Marielle (dating Lilet) ang kinuha.
Extended until May yung La Fete (Dreamgirls), isang comedy live impersonation show na napapanood tuwing Sabado sa Banda Forest na matatagpuan sa Luneta Park, cor. TM Kalaw at Parade Sts.
Ang maganda sa palabas na ito ay kahit bata ay pwedeng manood ng show. Bagaman at nung una akong manood ay may pagka-naughty ang palabas, nagawang i-adjust ng grupo ang palabas para maging wholesome ito para sa kapakanan ng napakaraming bata na dala-dala ng kanilang mga magulang sa show.
Magaling yung mga impersonators, like Donita Tongos na pumapapel kay Madonna, Edwin Luis na lumalabas na Tina Turner, Junko Sevilla na gumaganap ng Diana Ross kasama sina Lowla at Mon, Brian Babon bilang Shakira, Jove as Grace Jones, Josa as J.Lo at Marlon Lisondra.
Di lang mga palabas sa buong linggo ang kaabang-abang sa Banda Forest kundi maging ang pagkain dito.
The place is managed by Ms. Carmel Tan, Prod. Mgr; George Sales. Director; Jerry Gatapig, Mike Cababaro, PAs; Yna Matias, Food & Beverage Mgr. at Reggie Flores, Publicist.
Marami ang masosorpesa na naman sa bagong pelikula nina Sharon Cuneta at Richard Gomez. Marami silang kissing scenes dito, lima lahat at mayroon pa silang bed and shower scenes.
Di mapakali si Shawie at para pa itong nahihiya habang pinanonood ang mga ma-romansang eksena nila ni Goma, kasama ang press.
Sa Country Waffles Eastwood Libis, gaganapin ang repeat ng konsyerto nina Rachel Alejandro at Geneva Cruz na Showdown sa ika-3 ng Mayo, 7 n.g. Unang napanood ito sa Music Museum nung Oktubre ng nakaraang taon. Isa itong dinner concert para sa benefit ng Trinitarian Handmaids of the Divine Word.
Sina Rachel at Geneva ay sasamahan ng acoustic balladeer na si Nyoy Volante at ng Mannos.
Ang ticket price ay nagkakahalaga ng P1500. Tumawag sa 0917-8173146 0 0917-8374623, hanapin si Brian o Julius.
E-mail me at: [email protected]
Hindi kinaya ng budget ng programa ang kanyang asking price na P90 thousand.
Kung sakali ay pinaka-malaking bayad daw ito na tatanggapin sana ng isang magi-guest sa isang TV program.
Sa halip ay si Marielle (dating Lilet) ang kinuha.
Ang maganda sa palabas na ito ay kahit bata ay pwedeng manood ng show. Bagaman at nung una akong manood ay may pagka-naughty ang palabas, nagawang i-adjust ng grupo ang palabas para maging wholesome ito para sa kapakanan ng napakaraming bata na dala-dala ng kanilang mga magulang sa show.
Magaling yung mga impersonators, like Donita Tongos na pumapapel kay Madonna, Edwin Luis na lumalabas na Tina Turner, Junko Sevilla na gumaganap ng Diana Ross kasama sina Lowla at Mon, Brian Babon bilang Shakira, Jove as Grace Jones, Josa as J.Lo at Marlon Lisondra.
Di lang mga palabas sa buong linggo ang kaabang-abang sa Banda Forest kundi maging ang pagkain dito.
The place is managed by Ms. Carmel Tan, Prod. Mgr; George Sales. Director; Jerry Gatapig, Mike Cababaro, PAs; Yna Matias, Food & Beverage Mgr. at Reggie Flores, Publicist.
Di mapakali si Shawie at para pa itong nahihiya habang pinanonood ang mga ma-romansang eksena nila ni Goma, kasama ang press.
Sina Rachel at Geneva ay sasamahan ng acoustic balladeer na si Nyoy Volante at ng Mannos.
Ang ticket price ay nagkakahalaga ng P1500. Tumawag sa 0917-8173146 0 0917-8374623, hanapin si Brian o Julius.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am