Kahit sabihing magaling naman siya sa Tampisaw at okey naman ang akting nito para sa amin dahil napanood ko ang movie ay maraming negatibong reaksyon pa rin akong narinig. "Hindi nga yan nominated sa ibang awards-giving bodies kundi dito lang sa FAMAS pero bakit siya pa ang nanalo?" sey ng isang kapatid sa hanapbuhay. "Okey na sana ang mga nanalo noong una pero bigla silang bumagsak sa best actress category. Okey na sana na isa siya sa nominees pero nakapagtatakang talunin ang isang Sharon o Ara," susog ng isa pang reporter.
Mahal ko ang FAMAS dahil sa pagbibigay ng karangalan sa akin pero gusto kong ipaabot ang mga reaksyon ng mga tao.
Nabigyan ng Celebrity Mom award si Sha at sinabing may bagong category pala ngayon sa mga special awards. Ilan sa nabigyan ng special FAMAS Awards sa unahang bahagi ng programa ay sina Robustiano Morota (Flavio Macaso Award); ang inyong l ingkod (Dr. Jose Perez Memorial Award) at Metring David (Lou Salvador Sr. Award) na kahit 83 years old na ay nagawa pa ring magpatawa sa kanyang acceptance speech. Sabi nga ng iba ay in-born commedianne ito. Gusto ko namang umiyak sa ganda ng aking VTR presentation mula sa pagkabata hanggang sa kasalukuyan bago ko tanggapin ang Award. Truly deserving si Boots Anson Roa bilang Lifetime Achievement Awardee. Si Direk Gil Portes ang nanalong best director.
Ayon sa aking source, ang young actress ay ka-live-in na ng kanyang may edad na nobyo na sinasabing siyang nagbibigay sa kanya ng pag-aaruga at pag-ibig na kanyang hinanap-hanap.