Audience nag-boo, nag-walkout at nagmura sa pagkapanalo ni Aleck
April 16, 2003 | 12:00am
Maraming nagtatanong sa akin kung ano ang naging kaganapan sa loob ng teatro nang i-announce ang winner sa best actress na si Aleck Bovick. Ibat ibang reaksyon ang nakita ko. Una, nang i-announced and pangalan nito bilang best actress para sa Tampisaw nina Ynez Veneracion at Maricar de Mesa ay wala kang nakitang sigla sa mukha ng dalawa. Parang na-shock sila, ika nga. Yon namang apat na hosts na sina Roderick Paulate, Maricel Soriano, Kris Aquino at Lorna Tolentino ay natameme at nagkatinginan lang. Tahimik na tahimik ang apat habang pinagmamasdan ang pagpanhik sa stage ng seksing aktres. May narinig kaming nag-boo at ang iba naman ay nag-walk-out kung saan hindi na pinakinggan ang acceptance speech ni Aleck. Habang papalabas ang ibang tao ay may narinig kaming nagmura P......ina paanong nanalo yan! Tinalo pa sina Sha, Ara, Claudine at Alex.
Kahit sabihing magaling naman siya sa Tampisaw at okey naman ang akting nito para sa amin dahil napanood ko ang movie ay maraming negatibong reaksyon pa rin akong narinig. "Hindi nga yan nominated sa ibang awards-giving bodies kundi dito lang sa FAMAS pero bakit siya pa ang nanalo?" sey ng isang kapatid sa hanapbuhay. "Okey na sana ang mga nanalo noong una pero bigla silang bumagsak sa best actress category. Okey na sana na isa siya sa nominees pero nakapagtatakang talunin ang isang Sharon o Ara," susog ng isa pang reporter.
Mahal ko ang FAMAS dahil sa pagbibigay ng karangalan sa akin pero gusto kong ipaabot ang mga reaksyon ng mga tao.
Napakaganda ng ginawang presentation ng Ultimate Productions sa nakaraang FAMAS Awards Night kung saan naging maayos at mabilis ang pacing ng programa (live presentation). Napuno ang venue at malalaking artista rin ang naroon. Ang ganda-ganda ng gown nina Kris Aquino at Sharon Cuneta kung saan talagang carry nila ito.
Nabigyan ng Celebrity Mom award si Sha at sinabing may bagong category pala ngayon sa mga special awards. Ilan sa nabigyan ng special FAMAS Awards sa unahang bahagi ng programa ay sina Robustiano Morota (Flavio Macaso Award); ang inyong l ingkod (Dr. Jose Perez Memorial Award) at Metring David (Lou Salvador Sr. Award) na kahit 83 years old na ay nagawa pa ring magpatawa sa kanyang acceptance speech. Sabi nga ng iba ay in-born commedianne ito. Gusto ko namang umiyak sa ganda ng aking VTR presentation mula sa pagkabata hanggang sa kasalukuyan bago ko tanggapin ang Award. Truly deserving si Boots Anson Roa bilang Lifetime Achievement Awardee. Si Direk Gil Portes ang nanalong best director.
Problemado lagi ang young star na ito na visible ngayon sa telebisyon. Madali siyang nakagawa ng pangalan dahil magaling na artista. May nagsasabi na laging problema nito ay ang magulang at bf na seloso at possessive.
Ayon sa aking source, ang young actress ay ka-live-in na ng kanyang may edad na nobyo na sinasabing siyang nagbibigay sa kanya ng pag-aaruga at pag-ibig na kanyang hinanap-hanap.
Kahit sabihing magaling naman siya sa Tampisaw at okey naman ang akting nito para sa amin dahil napanood ko ang movie ay maraming negatibong reaksyon pa rin akong narinig. "Hindi nga yan nominated sa ibang awards-giving bodies kundi dito lang sa FAMAS pero bakit siya pa ang nanalo?" sey ng isang kapatid sa hanapbuhay. "Okey na sana ang mga nanalo noong una pero bigla silang bumagsak sa best actress category. Okey na sana na isa siya sa nominees pero nakapagtatakang talunin ang isang Sharon o Ara," susog ng isa pang reporter.
Mahal ko ang FAMAS dahil sa pagbibigay ng karangalan sa akin pero gusto kong ipaabot ang mga reaksyon ng mga tao.
Nabigyan ng Celebrity Mom award si Sha at sinabing may bagong category pala ngayon sa mga special awards. Ilan sa nabigyan ng special FAMAS Awards sa unahang bahagi ng programa ay sina Robustiano Morota (Flavio Macaso Award); ang inyong l ingkod (Dr. Jose Perez Memorial Award) at Metring David (Lou Salvador Sr. Award) na kahit 83 years old na ay nagawa pa ring magpatawa sa kanyang acceptance speech. Sabi nga ng iba ay in-born commedianne ito. Gusto ko namang umiyak sa ganda ng aking VTR presentation mula sa pagkabata hanggang sa kasalukuyan bago ko tanggapin ang Award. Truly deserving si Boots Anson Roa bilang Lifetime Achievement Awardee. Si Direk Gil Portes ang nanalong best director.
Ayon sa aking source, ang young actress ay ka-live-in na ng kanyang may edad na nobyo na sinasabing siyang nagbibigay sa kanya ng pag-aaruga at pag-ibig na kanyang hinanap-hanap.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended