Dalawang linggo pa lamang ang nakararaan ay tinanghal na best supporting actor ng FAP si Piolo, nung Huwebes ng gabi ay tinanggap niya naman ang parangal ng Guillermo Mendoza Memorial Awards Foundation bilang "Mr. RP Movies" kasama si Ara Mina.
Nadagdagan na naman ng isa ang koleksyon niya ng inspirasyong tropeo sa kanyang kuwarto.
Sa madalas naming pag-uusap ng guwapong aktor ay lagi niyang sinasabi sa amin na nangangarap siya, bakit naman ang hindi, pero ayaw niyang pilitin ang panahon.
"I dream, of course, pero kung hindi para sa akin ang isa pa, its fine with me, mas mahusay siguro ang pinanalo nila, kaya ganun.
"Marami nga ang nagsasabi sa akin na wala pa raw young actor na nakaka-grand slam, baka raw ako na yun?
"Ang sarap-sarap nga sana kung ako na yun, pero kung hindi pa naman time for me to have that very nice opportunity, Im more than willing to wait for the right time naman," sabi ni Piolo.
Yun ang maganda sa kanya, kung ano ang dumating ay pinasasalamatan niya, hindi siya umaasa, kaya hindi siya nabibigo at nasasaktan.
Standard niyang sagot, yun kapag halos wala na siyang pahinga sa maghapon, kapag kahit pagdyinggel lang ay hindi na halos niya magawa, dahil nakaabang na ang kanyang mga road managers para hilahin siyat kailangan nang ilipat sa susunod niyang kompromiso.
Meron siyang Masayang Tanghali Bayan tuwing Sabado, may promosyon ng kanilang pelikula ni Judy Ann Santos na Till There Was You.
Maluwag pa nga yun kung tutuusin, dahil kung minsan ay lima hanggang pitong kompromiso ang kanyang tinutupad sa maghapon, matensyon ang kanyang oras, dahil ayaw niyang nagpapahintay at hiyang-hiya si Piolo kapag siya na lang ang hinihintay sa isang lugar. Pero ang propesyonalismo ay isang regalo ng langit na kailangang pasalamatan ng batang aktor, basta tinanggap niya ang trabaho ay hindi ka makaririnig ng kahit anong reklamo mula sa kanya, kahit halos pumikit na ang kanyang mga mata dahil sa kakulangan ng tulog ay tuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho.
Kaya hindi nakapagtataka kung bakit inuulan ng suwerte si Piolo Pascual, kung bakit ginagantihan-pinepremyuhan ng kapalaran ang kanyang mga pagsisikap, karapat-dapat lang siyang parangalan. Dahil sa kanyang talento ay nirerespeto pa niya ang kanyang trabaho.