Janno, hindi talaga lilipat sa Dos

Bumalik na si Atty. Dong Puno sa dati niyang puwesto bilang Senior Vice President ng News & Current Affairs ng ABS-CBN kaya tiyak na maraming mga pagbabago ang nakatakdang mangyari. Nabalitaan din namin na pipigilan umano ng Dos ang pag-alis ni Julius Babao para lumipat sa kalabang istasyon. After all, si Julius ay isa sa mga homegrown talent ng ABS-CBN.

Napag-alaman din namin na magsisimula ang mga pagbabago sa Headlines anchored by Karen Davila and Tony Velasquez na tila hindi makaarangkada sa Saksi ng GMA-7. May mga pagkakataon din daw na nauungusan ng Frontpage ni Mel Tiangco ang TV Patrol ni Korina Sanchez kasama sina Henry Omaga Diaz at Aljo Bendijo.
* * *
Dahil sa magandang reception ng mga manonood sa TV special ng wedding nina Ruffa Gutierrez at Yilmaz Bektaz na ipinalabas sa GMA-7 last April 5, marami umanong request ang natanggap ang pamunuan ng Siyete na muli itong ipalabas na pagbibigyan naman nila. Muling ipapalabas sa April 19 (Sabado de Gloria) at 9:00 pm ang natatanging kasal nina Ruffa at Yilmaz at may mga karagdagang footages.
* * *
Mukhang gumaganda na ang takbo ng acting career ng award-winning actor na si Yul Servo na huling napanood sa Sa Puso Ko, Iingatan Ka. Si Yul ay muling mapapanood sa soap opera ng GMA-7, ang Habang Kapiling Ka bilang bagong ka-love interest ni Angelika dela Cruz.
* * *
Masama ang loob ni Annabelle Rama sa pagbatikos ng kolumnistang si Mon Tulfo sa kasal nina Ruffa at Yilmaz. Katwiran ni Annabelle, ito ang kagustuhan ni Yilmaz na siyang gumastos ng lahat.

Tinatayang P20-M ang ginastos sa engrandeng kasalan na ginanap sa NBC Tent nung nakaraang March 25. Sa gown pa lamang ni Ruffa at ng kanyang entourage ay umabot ng halos dalawang milyong piso.

Sa pre-birthday dinner get together in honor of Mother Ricky Reyes na ginanap sa Mama Rosa Restaurant last Wednesday (April 9), inamin ni Annabelle na nagmuntikang hindi matuloy ang kasal dahil hindi nga makaalis ng Istanbul si Yilmaz. Hindi malaman ni Annabelle kung paano niya kakanselahin dahil preparado na ang lahat, liban lamang sa groom. Ang wedding cake ay isang buwang ginawa. Hindi na rin pwedeng kanselahin ang mga bulaklak, ang mga pagkain, ang venue at ang pinakaproblema pa ni Annabelle ay ang mga bisita.

But that is now water under the bridge.

Samantala, hindi ikinakaila ng mag-asawang Eddie at Annabelle na excited na sila sa kanilang magiging apo kay Ruffa. Ang isisilang ni Ruffa ay unang apo ni Annabelle at pang-lima naman ni Eddie dahil may apat na anak sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon.
* * *
Nakapag-last taping na ang Beh Bote Nga nina Janno Gibbs at Anjo Yllana at magsisimula naman silang mag-taping ng kanilang bagong sitcom sa GMA-7 na pinamagatang Nuts Entertainment. Retained sa bagong programa sina Janno, Anjo, Joey de Leon, Richard Gutierrez, Anne Curtis at iba pang mainstay ng Beh Bote Nga pero ang iba ay papalitan na ng iba.

Wala ring katotohanan ang balita na lilipat ng ABS-CBN si Janno dahil bukod sa bago nitong sitcom, babalik na rin ito sa SOP pagkagaling niya ng Australia.
* * *
Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakasama sina Rudy Fernandez at Pops Fernandez sa Daboy en Da Girl na matutunghayan ngayong gabi (April 14) sa ganap na ika-9.

Espesyal na panauhin si Pops ng programa na tinatampukan nina Daboy (Rudy), Rosanna Roces at Alma Moreno. Ang nasabing episode ay bahagi pa rin ng kanilang 1st anniversary presentation.
* * *
E-mail us: <a_amoyo@pimsi.net>

Show comments