Kita nyo pati ang Diyos nasisiyahan sa kanta o musika!
Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming mga dasal na pakanta kahit alinmang relihiyon. Sa mga Katoliko nariyan ang popular na Gregorian Chant ibat ibang kanta sa misa at mismong buong misa na ginawang pakanta. Pati sa mga novena at mga ispesyal na okasyon ay maraming kanta.
Minsan nanood ako ng isang palabas ng mga Buddhist monks mula sa Tsina. Ang kanilang mga awiting pagdarasal at mga papuri sa Diyos ay katunog din ng Gregorian Chant. Nakakagulat talaga ang pagkakahawig.
Noong 1994 ay inilabas ng EMI classics ang isang album, "Canto Gregorian", performed by the Benedictine Monks of Sto. Domingo De Silos. Nagulantang ang worldwide music industry dahil naging isang smash global hit ang pambihirang plakang ito. Akala kasi noon, bastat ganitong tunog pang-simbahan lang.
Bumulusok sa No. 1 position ng Billboard charts ang "Canto Gregorian" both on the pop and classical division na talagang phenomenal! Patuloy pang nanggulat ang album dahil nasa No. 1 slot siya for six consecutive weeks.
Dahil sa malaking tagumpay ng "Canto Gregoriano" nagkaroon ng unang (at siguro huli na rin dahil hindi nasundan pagkat milyun-milyon ang naging budget). The First National Gregorian Chant Choral Competition na nilahukan ng pinakamagagaling na choral groups sa buong bansa.
Ginawa ito noong December 13, 1994 sa Manila Cathedral sa pagtataguyod ng noon ay Dyna-EMI Virgin Records, at may basbas ng Archdiocese of Manila at ni Cardinal Jaime Sin. Ang naging mga major sponsors ng pambansang timpalak ay dalawang kilalang negosyante/pilantropo lamang, sina Mrs. Fe S. Panlilio at Mr. Andres Soriano III.
Ngayong Semana Santa isa ang "Canto Gregoriano" ng Benedictine Monks of Sto, Domingo De Silos sa mga plakang maaari nating pakinggan. Kahit sa buong taon masisiyahan tayo sa paulit ulit na pakikinig dito. Siguradong meron pang mabibili nito sa mga malalaking record outlets tulad ng Tower Records at Odyssey.
Isa pang bagay na ipangingilin natin sa Holy Week ay ang "Misa De Angelis" na tampok si Jaime Cardinal Sin, kasama ang mahusay na Seraphim Choir na talaga namang mga boses anghel.
Parehong mga various artist anthologies ang dalawang ito at sa huli ay si Martin Nievera ang kumanta ng title cut na theme song sa 4th World Meeting of the Families na ginawa sa Maynila. Ang theme tune rin nito ay interpreted naman in the same album sa six languages (Chinese, English, Spanish, Italian, French at Pilipino) ng tunay na Pinoy pop diva na si Ms. Celeste Legaspi. May kasama pang VCD ang nasabing collection.