^

PSN Showbiz

Piolo at Juday hindi na affected sa mga intriga

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Marami nang excited na mapanood ang Till There Was You dahil matagal-tagal ding hindi napanood sa movie sina Piolo Pascual and Judy Ann Santos. "Pero sulit naman ‘yung pinaghintay nila sa movie na ‘to," Judy Ann says during the presscon.

Kasi naman for the first time, nag-agree si Juday ng lovescene with Piolo as in may bedscene. "Pero hindi naman ganoon ka-daring, very passionate lang," she adds.

Actually, base nga sa observation ng marami parang feel na feel nila ang ginagawa nila. Kaya nga kilig na kilig daw lahat ng nanood sa kanila sa shooting. "Kailangan lang kasi sa movie. Kaya lahat ng pinagawa ni Direk Joyce (Bernal), ginawa ko," paliwanag pa ni Juday.

Kung sabagay kilala naman si Direk Joyce sa mga ganitong movie, ‘yung talagang nakakakilig.

Anyway, kung anuman ang mga intriga sa kanila noon na naging personalan, balewala na ngayon. "Naiintindihan na namin ni Juday ‘yung mga ganoon. So pag may lumalabas ng mga fabricated issues, hindi na kami nagko-comment para lang matapos na ang issue," sagot naman ni Piolo.

Grabe ang naging issue sa kanila. As in masyado nang personalan at marami na nga no’ng galit na fans dahil bakit daw kailangang pag-awayin sila in print.

Ngayon daw sobrang sweet ang dalawa at konting himas na lang, magiging sila na.

Wait and see na lang tayo kung anong mangyayari after na ipalabas ang Till There Was You kung sila nga ang magkapalaran.

Last movie nila ang Bakit Di Totohanin na box--office hit.

In the movie, Piolo plays Albert, na pagkatapos mag-top sa bar exams at handa nang harapin ang kanyang kinabukasan bilang lawyer ay nagising na lang na naghahanap ng isang woman na naka-one night stand niya kung saan sila nagkaanak. Biglang nag-disappear si babae at iniwan ang baby kay Albert (Piolo).

Na-meet niya si Joanna (Judy Ann) sa isang bus ride at tinulungan niyang i-pacify ang baby na hawak ni Albert. Do’n nag-start ang kanilang romance.

Mother’s Day offering ng Star Cinema ang Till There Was You. The movie also stars Elisa Pineda as Piolo’s love child, Gina Pareño, Pen Medina and Angel Jacob.
*****
Mas na-prove nina Maui Taylor and Katya Santos na kaya nilang magdala ng pelikula. Imagine naka-P7 million sa first day ang movie nila together, ang Sex Drive na hanggang ngayon ay showing pa rin sa Metro Manila theaters.

Hindi raw kasi na-disappoint ang moviegoers sa movie ng dalawa. "There are many surprises in the movie," Direk Robert Quebral says.

Kunsabagay, sinabi naman kasi ng dalawa during the promo na mas bold sila sa movie na ‘to compared sa previous project nila. "’Kahit wala sa script, ginawa namin sa movie na ‘to," Katya said sa previous interview. Kaya nga raw shocked si Direk Quebral sa dalawa.

Rated R ang
Sex Drive ng Movie and Television Review and Classification Board dahil sa mga steamy scenes.
*****
Salve V. Asis’ e-mail: [email protected]/[email protected]

vuukle comment

ANGEL JACOB

BAKIT DI TOTOHANIN

DIREK

JUDAY

JUDY ANN

KAYA

MOVIE

PIOLO

TILL THERE WAS YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with