Pinakamagandang regalo ni Candy Pangilinan
April 12, 2003 | 12:00am
Happy si Candy Pangilinan sa takbo ng kanyang career ngayon maging ng kanyang personal life. She is now four months preggy sa kanilang magiging unang supling ng husband niyang si Gilbert Alvarado.
May dalawang regular sitcoms si Candy sa telebisyon, ang Ispup sa ABC-5 at ang Whattamen sa ABS-CBN. May ginagawa rin siyang pelikula ngayon, ang Pakners (Walang Iwanan, Kahit Kailan) under FPJ Productions na pinagbibidahan ni Fernando Poe, Jr. at ang billiard king na si Efren Bata Reyes na pinamamahalaan ni Tony Y. Reyes.
Bukod sa telebisyon at pelikula, si Candy ay isa ring businesswoman. Bukod sa kanyang pagiging isa sa mga may-ari ng Food Express, Inc., meron din siyang sariling handicrafts na gumagawa ng mga fancy fashion accessories na siya rin mismo ang nagde-design. Katunayan, kamakailan lang ay nag-participate si Candy sa Celebrity Bazaar na ginanap sa Rockwell Tent at may sarili siyang booth na may pangalang "Bead It".
Ang pangarap ni Candy na makapag-put-up ng sariling bar ay kanya ring naisakatuparan sa pamamagitan ng "Comfort Room" kung saan niya kasosyo si Jon Santos at iba pang non-showbiz friends. Itoy matatagpuan sa ikalawang palapag ng One Jupiter Place Building sa Jupiter St. in Makati City.
Ang isa pang pangarap ni Candy na natupad ay ang madala ang kanyang sariling stand-up sa ibang bansa nang gawin siyang front act ni Gary Valenciano sa US tour nito sa LA., San Francisco San Diego, California nung nakaraang Nobyembre, kung saan naging malaking hit si Candy. Nang dahil dito, siyay pinarangalan bilang "Breakthrough Female Performer" nung nakaraang Pebrero sa Celebrity Center International sa "Celebration 2003" sa Hollywood. Sayang nga lamang at hindi personal na tinanggap ni Candy ang kanyang award dahil sa kanyang schedule dito sa Maynila. Sa halip, nagpadala na lamang siya ng video ng kanyang acceptance speech na ipinalabas mismo during the event.
Pero ang pinakamagandang regalo na dumating kay Candy ay nang ma-confirm niya sa kanyang doctor na siyay nagdadalang-tao na after two years of marriage.
Matapos ang matagumpay na release ng kanyang dalawang albums na pinamagatang Beyond Words at Gary V at the Movies, umalis naman si Gary V. patungong Europe for a series of concerts sa Switzerland at Germany. Nung nakaraang Sabado (April 5) ay nag-show si Gary sa Palladium sa Geneva, Switzerland na binuo ng Buklod ng Kababayan. Sa nasabing dinner concert ay naging special guest ni Gary V. ang NO. 1 Filipino showband, ang Speed Limit at isa sa mga anak niyang si Gabriel Valenciano. Ngayong Biyernes, April 11 ay matutunghayan naman si Gary V. sa Luise Albert Hall sa Oberhausen, Germany at sa Kongress Zentrum Spirgarten sa Zurich, Switzerland kinabukasan, April 12.
Ang Switzerland at Germany concerts ni Gary V., ang release ng kanyang dalawang bagong albums ay kasama sa kanyang year-long celebration ng kanyang ika-20
Sa susunod na buwan, tutulak naman patungong Amerika ang mister ni Angeli Pangilinan-Valenciano for another series of US concerts.
Masaya ang buong cast ng Daboy en da Girl na pinangungunahan nina Rudy Fernandez, Rosanna Roces at Alma Moreno sa kanilang bagong time slot (Mondays at 9:00 p.m.) dahil mas mataas ang rating na kanilang nakukuha ngayon kumpara sa dati nilang araw na Huwebes dahil ang kanilang kabangga ay ang long-running drama anthology na Maalala Mo Kaya.
Sinimulan ng Daboy en da Girl with a bang ang kanilang paglipat ng araw ng Lunes na kanilang sinimulan sa kanilang month-long anniversary celebration.
Personal: Birthday greetings bukas (April 12) sa isang taong malapit sa aming puso, si Mother Ricky Reyes and advance happy birthday sa isa pa nating mahal na kaibigan na si Ricky Lo (Entertainment Editor ng Philippine Star at segment host ng The Buzz sa darating na Abril 21.
E-mail us: <a_amoyo@pimsilnet>
May dalawang regular sitcoms si Candy sa telebisyon, ang Ispup sa ABC-5 at ang Whattamen sa ABS-CBN. May ginagawa rin siyang pelikula ngayon, ang Pakners (Walang Iwanan, Kahit Kailan) under FPJ Productions na pinagbibidahan ni Fernando Poe, Jr. at ang billiard king na si Efren Bata Reyes na pinamamahalaan ni Tony Y. Reyes.
Bukod sa telebisyon at pelikula, si Candy ay isa ring businesswoman. Bukod sa kanyang pagiging isa sa mga may-ari ng Food Express, Inc., meron din siyang sariling handicrafts na gumagawa ng mga fancy fashion accessories na siya rin mismo ang nagde-design. Katunayan, kamakailan lang ay nag-participate si Candy sa Celebrity Bazaar na ginanap sa Rockwell Tent at may sarili siyang booth na may pangalang "Bead It".
Ang pangarap ni Candy na makapag-put-up ng sariling bar ay kanya ring naisakatuparan sa pamamagitan ng "Comfort Room" kung saan niya kasosyo si Jon Santos at iba pang non-showbiz friends. Itoy matatagpuan sa ikalawang palapag ng One Jupiter Place Building sa Jupiter St. in Makati City.
Ang isa pang pangarap ni Candy na natupad ay ang madala ang kanyang sariling stand-up sa ibang bansa nang gawin siyang front act ni Gary Valenciano sa US tour nito sa LA., San Francisco San Diego, California nung nakaraang Nobyembre, kung saan naging malaking hit si Candy. Nang dahil dito, siyay pinarangalan bilang "Breakthrough Female Performer" nung nakaraang Pebrero sa Celebrity Center International sa "Celebration 2003" sa Hollywood. Sayang nga lamang at hindi personal na tinanggap ni Candy ang kanyang award dahil sa kanyang schedule dito sa Maynila. Sa halip, nagpadala na lamang siya ng video ng kanyang acceptance speech na ipinalabas mismo during the event.
Pero ang pinakamagandang regalo na dumating kay Candy ay nang ma-confirm niya sa kanyang doctor na siyay nagdadalang-tao na after two years of marriage.
Ang Switzerland at Germany concerts ni Gary V., ang release ng kanyang dalawang bagong albums ay kasama sa kanyang year-long celebration ng kanyang ika-20
Sa susunod na buwan, tutulak naman patungong Amerika ang mister ni Angeli Pangilinan-Valenciano for another series of US concerts.
Masaya ang buong cast ng Daboy en da Girl na pinangungunahan nina Rudy Fernandez, Rosanna Roces at Alma Moreno sa kanilang bagong time slot (Mondays at 9:00 p.m.) dahil mas mataas ang rating na kanilang nakukuha ngayon kumpara sa dati nilang araw na Huwebes dahil ang kanilang kabangga ay ang long-running drama anthology na Maalala Mo Kaya.
Sinimulan ng Daboy en da Girl with a bang ang kanilang paglipat ng araw ng Lunes na kanilang sinimulan sa kanilang month-long anniversary celebration.
E-mail us: <a_amoyo@pimsilnet>
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended