Walang ginagawa si Regine para pormal na tapusin ng kanilang relasyon ni Lander. Ito ay sa dahilang umaasa pa rin siya na mabubuong muli ang kanilang pamilya. "May love pa at compatible naman kami. Problema lang yung mga taong nakapaligid sa amin."
May mga kinakailangan lamang na pagbabago na dapat gawin ang kanyang asawa.
"May kasalanan din naman ako sa nangyari. Talaga sigurong hindi pa ako handang maging isang wife. I got married at 18. Before that hindi talaga ako marunong gumimik. At 17, from trabaho, diretso lang ako sa bahay. Ganun din si Lander whos going back to school.
"I still consider us a family. Nagpapaalam pa rin ako kay Lander kung may mga dapat akong gawin.
"May magandang offer nga ang Viva sa akin, ang ganda, more projects pero, puro bold. When I informed Lander about it, hindi niya ako pinigilan, lalo akong na-hurt.
"I was flattered by the offer pero, as a businesswoman, dapat may image ako na inaalagaan. I have to be a role model for my kids. But I can do mature and sexy roles," sabi ni Regine.
Sa ngayon, maraming offers na movies si Regine. Nakatakda niyang gawin sa susunod ang isang movie with arch-rival Angela Velez and Robin Padilla for Wild World Entertainment to be directed by Joey Romero.
Sinabi niyang may 7 bahagdan o lawak ang aura ni Saddam at nagtataglay ito ng black magic kaya ito nakakapag-palipat lipat at nakakapag-palit ng anyo sa mabilis na panahon at oras. Tatagal pa raw ng dalawa hanggang tatlong buwan ang kaguluhang hatid ng digmaan at kapag natapos ito, maaari rin itong pagsimulan ng El Mappa o ikatlong digmaang pandaigdig.
Magtatagumpay ang bansang Amerika pero mas malaking panganib ang kinakaharap nito.
Maaari nyong tawagan si Master Ehbbo sa 4278042 o sa 09202616071.
Bukod sa may offer ditong 50 % discount on all alcoholic beverages, tuwing Sabado ay nagpi-perform dito ang La-Fete Dreamgirls, isang grupo ng mga magagaling na impersonators na gayang gaya sina Madonna, Tina Turner, JLo at Diana Ross.
Buong linggo, may handog na ibat ibang entertainment, gaya ng Dynasoul Band, Kyna at Jocar (Mon), Jay, Noel, Tab (Acoustic Tues), Folkus, Restrospect Band (Wed), Stand Up Comedy, Go Girls (Thurs), Acoustic Eva, Big, Human Race (Fri).
Nakasama sa dinner ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabel Rama. Bagaman at nalulungkot dahilan sa nalaglag ang apo nilang babae na ipinagbubuntis ng kanilang anak na si Ruffa, masaya na rin ang mag-asawa sapagkat kambal ang ipinagbubuntis ni Ruffa at nailigtas ang lalaki.
Nakakahinga na ng maluwag ngayon si Annabel dahilan sa nairaos na ang kasal ni Ruffa. Bago ang kasal ay na-tensyon sila dahilan sa pasabi ng kanyang mga babalaihin na ipapagpaliban ang kasal dahilan sa nagaganap na digmaan sa Iraq. Pero nakarating nga si Ylmas sa bisperas ng kasal nila ni Ruffa kasama ang dalawang pinsan nito. Pero, di nito nakasama ang mga magulang.
Akala ni Annabel ay mababale-wala ang mahigit sa isang libong reservation sa Le Souffle na nagkakahalaga ng mahigit sa dalawang libo kada ulo. Kung hindi natuloy ang kasal sa The Tent ay matutuloy naman sana ang kainan dahilan sa hindi na ito maiuurong.
Kung may kumita sa naganap na kasalan, ito ang designer na si Inno Sotto na kumita sa P1.7M sa halaga ng mga isinuot ng wedding entourage.
Hindi pa rin mapigilan ni Annabel ang magalit kapag naaalala kung paano di sinipot ni Kris Aquino ang kasal.