Pero nang muli ko silang mapanood sa regular gig nila sa Suburbia last Wednesday, buhay na buhay ang crowd dahil sa energy ng grupo. Talagang nag-enjoy ang audience.
"Sobra, sobrang galing nila!" sambit ni Janice de Belen na nag-enjoy sa show ng banda. At kung meron mang pagbabago sa grupo, itoy dahil nag-decide silang magkaroon ng dalawang vocalist maliban pa kay Jay Durias, ito ay sina Vincent Alaras at Duncan Ramos.
Present ako sa unang jamming ni Duncan na nagsilbing audition sa Southborder. Tama ang kutob ko noon na hindi pakakawalan ng grupo si Duncan dahil halos ayaw siyang pababain ng mga audience. Sa nasabing jamming ay may isa pang male na mag-o-audition na galing pa ng US.
Bakit dalawang vocalist ang kinuha nila hindi ba sila satisfied kay Vincent na una nilang choice? "Matagal na naming plano na magkaroon ng dalawang vocalist para mas maraming boses sa grupo. Like ngayon nasa-satisfy namin ang audience kasi lahat ng klase ng kanta natutugtog namin. Mapa-alternative, pop, jazz, R&B, rock at kahit mga rap songs ni Eminem," pagbibigay impormasyon ni Butch Victoriano guitarist ng grupo.
Kung tutuusin, pwedeng mag-solo ni Duncan. Ready na sana ang launching ng kanyang album last February na si Gary Valenciano pa mismo ang nag-asikaso ng mga kantang gagamitin sa album, pero mas pinili niyang sumama sa Southborder. Si Duncan ang batang madalas kasayaw noon ni Gary V sa mga concert nito.
Si Duncan ay 21 yrs. old at middle child sa limang magkakapatid. Nag-graduate siya ng business management sa San Beda last year. Marami na rin siyang naisulat na kanta. Naniniwala si Duncan na destiny ang pagkakapili sa kanya ng Southborder.
Tinanong ko si Jay na baka iwanan din sila ng kanilang magagaling na vocalists. "Na-prove ko ang loyalty nina Vincent at Duncan at kung magkaganun man panahon na lang ang makakapagsabi niyan," sabi niya
Dahil buo na muli ang Southborder ay magkakaroon sila ng concert na pinamagatang Southborder Episode III-Sizzling Summer of the Cove sa May 3.