Yung walang alam magpatakbo ng artista manahimik na lang kayo

Kahit karamihan sa kanyang mga kaibigan ay nasa GMA 7 na, walang plano si John Estrada na sumunod sa mga ito at iwanan ang ABS-CBN 2. Aniya, wala naman siyang mahihiling pa pagdating sa mga projects niya sa ABS-CBN. Regular siyang napapanood sa Masayang Tanghali Bayan at Kay Tagal Kang Hinintay. John has been getting good projects at ito ang dahilan kung bakit he has remained loyal to the Star Network.

Ani John, kaibigan pa rin niya sina Richard Gomez, Joey Marquez, Anjo Yllana at Jomari Yllana. Ang mga nabanggit ay pawang mga alaga ni Tito Douglas Quijano na nasa GMA 7 na.

Naging mabait pa rin ang tao kay John. Matatandaan na nakiusap siya sa publiko na patahimikin na ang kanyang personal na buhay. Kahit ang press ay tumigil na rin sa pag-uugnay sa kanya kay Vanessa del Bianco na nanahimik na sa Amerika.

Kaya sa magagandang pangyayari sa career ni John, isa kami sa masaya para sa kanya. May he remain the same humble John na nakilala namin.

Salamat sa ngiti at sinserong tapik sa balikat na iginawad mo sa akin kamakailan.
* * *
Lahat nang sikat na artista ngayon ay dumaan sa dekalibreng istilo ng trabaho ni Mr. Johnny Manahan.

Sa kabila ng lahat ng nasabing pressure, hindi magpapapigil si Mr. Manahan sa pagtuklas ng bagong mukha. Sa katunayan, buo na ang bagong batch ng Star Circle Batch 11. Kabilang dito ang mga kalalakihang sina Paolo Paraiso, Brian Tan, Pascal Greco, Cholo Barretto, John Barretto at Dustin Reyes. Sa kababaihan kasama sina Pia Romero, Glaiza de Castro, Nikka Peralejo, Pauleen Luna, Louise Reyes, Sarita Perez de Tagle, Madeleine Humphries at Jill Yulo. Nag-a-undergo na ang mga ito ng extensive training ngayon on acting, hosting, dancing, personality development at iba pa. Sometime in May ay ilulunsad na ang mga ito.

Kaya ’yung ibang nagmamagaling at nagmamarunong diyan, na wala namang alam sa pagpapatakbo ng career ng artista, manahimik kayo, no!
* * *
After 7 years ay muling mapapanood ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa isang drama exposure. Siya ang bida sa espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya na magsasadula sa buhay ni Aiai delas Alas. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na magbibida si Marya sa Maalaala Mo Kaya. In MMK’s 11 years ay hindi pa kailanman nakapag-guest dito ang Diamond Star.

Bukod kay Marya, kasama rin sa The Aiai delas Alas Story sina Carlos Morales (bilang Miguel Vera), Cris Villanueva at iba pa. Si Mel Mendoza del Rosario ang sumulat ng script at dinirehe ni Wenn Deramas.

Show comments